"Never mind Ill find someone like you, I wish nothing but the best for you too. Dont forget me, I beg. Ill remember you said, sometimes it last in love, but sometimes it hurts instead"- Someone Like You (Adele)
•_•_•
Mga madaling araw na nung naalimpungatan ako sa pagkakahimbing dahil may tumatawag sa phone ko. Number to ng kapitbahay ko, at may pagtataka kong sinagot yung tawag nya.
"Hello Ces, si Tita Belle mo to" bati nung sa kabilang linya. Medyo inaantok-antok pa ko kaya groge pa yung boses ko.
"Bakit po kayo napatawag? Ang aga-aga naman po" sagot ko. Medyo badtrip ako dahil nastorbo ko sa pagtulog pero syempre hindi ko lang pinahalata.
"Kanina pa kasi may lalaking naka-stambay sa harap ng apartment mo. Kanina pa nakaupo yan dyan. Kanina pa nagpapaulan yan. Sino ba yan? Bakit hindi mo papasukin?"
Medyo nabuhay yung katawang lupa ko kaya pinatay ko agad yung phone ko at saka patakbong pumunta sa bintana. Ngayon ko lang din nag-sink in sakin na umuulan nga. At nakita ko si Ford na nakaupo at nakayuko na parang pulubi sa may tapat ng apartment ko.
Ano ba gustong palabasin ng lalaking to?
Dali-dali akong kumuha ng payong saka nagmadaling lumabas para puntahan ang Ferdinand. Nagmukha tuloy syang The man who cant be moved dun.
"Ford! Tumayo ka nga dyan!" Tawag ko sa kanya at pilit syang tinatayo.
"Ford! Ano ba!? Ano ba problema mo!? Tumayo ka nga dyan!" Sigaw ko at hawak yung kamay nya.
"IKAW! IKAW YUNG PROBLEMA KO CES! ANO!? AKALA KO BA HINDI MO NA KO MAHAL!? ANO PA GINAGAWA MO DITO?! HA!? PABAYAAN MO NA LANG AKO!" Sigaw nya. Kahit basang basa yung mukha nya dahil sa ulan, alam ko na may tumutulo na luha sa mga mata nya.
"FORD! TUMAYO KA NGA DYAN!" Sigaw ko din at hinihila sya patayo. Since nagpapabigat sya ng body weight nya. Nabitawan ko na din yung payong ko kaya parehas kaming nababasa ng ulan.
"Pabayaan mo na lang ako dito Ces" sabi nya.
"FORD ANO BA!? MAHAL KITA! MAGKAKASAKIT KA EH!" Naiiyak na sagot ko kaya napatayo sya at napayakap sakin.
"I Love you Ces. Im sorry" sabi nya sabay hinalikan ako sa labi.
He kiss me gently, under the rain. Parang hindi kami nababasa ng ulan at naghahalikan lang kami sa gitna ng kalsada.
Just when I realized it was too awkward and wrong. Tinulak ko na din sya agad at saka hinila papasok ng apartment ko.
Tumutulo pa yung mga damit namin papasok pero wala akong paki-alam kung nagpuputik na yung loob ng apartment ko. Kinuha ko sa kwarto ko yung extrang twalya ko saka ko binigay kay Ford.
I can feel his body is trembling and shaking. Parang nagdi-diliryo na din yung itsura nya. Nanginginig sya sa sobrang lamig kaya sobrang nagpanic na din ako. Kanina pa din siguro sya nagpapaulan kaya parang nakonsensya ko.
"Ford, okay ka lang?" Tanong ko at nakayakap sa kanya.
Hinubad ko din yung shirt nya kaya tumambad sakin yung top less nyang katawan. Binalot ko sya ng comforter at yakap-yakap ko din sya para bigyan sya ng body heat. I give him a cuddle in short.
Nararamdaman ko yung init ng body temperature nya at yung matigas na dibdib nya sa katawan ko. Parang wala akong pakialam sa hubad na katawan ni Ford. Mas nangingibabaw kasi sakin yung pagaalala dahil nagpapalpitate sya at parang nagdidiliryo. Nilalagnat nga ata.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...