Chapter 6 | Sepanx

287 6 3
                                    

Close your eyes,
Dry your tears.
Cause when nothings seems clear,
you'll be safe here.
From the sheer weight of your doubt and fear. Weary heart.
You'll be safe here.
Youll be Safe Here - Rivermaya

•_•_•

Unconsciously, nagulat ako sa pag-gising ko kasi nakayakap ako kay Ford habang natutulog kami sa sofa. Napabalikwas tuloy ako ng bangon. At parang diring-diri ako na ewan, alam kong parang ang OA ko pero kinikilabutan kasi talaga ko. Sobrang antok ko naman ata nung gabe na yun, at talagang nakayakap pa ko ng bongga kay Ford sa pagtulog ko.

5:45am nung nagising ako. Late sya ng 15 minutes sa usual na gising ko sa pagpasok.

Naligo na ko kaagad at sa banyo ko na lang nilabas yung awkwardness ko dun. Para kong baliw na kinikilig na hindi malaman.

"Maliligo ba talaga ko?" Tanong ng malanding inner self ko.

Jusko, parang ayokong mawala sa mga kamay at braso ko yung amoy at DNA ni Ford na kumapit sa katawan ko.

"Wait, parang ayokong basain"

Que aga-aga nagwawala malalanding hormones ko.

Ending, naligo pa din ako dahil alam kong matra-traffic ako at baka malate pa ko sa school na pinagfi-field study-an ko.

Paglabas ko ng banyo, nagulat ako kasi gising na din pala si Ford at nakatingin lang sakin.

"Oh?" gulat ko.

Nakasando pa lang kasi ko that time. Nasa buhok ko pa yung towel ko at hindi pa ko nakakapagbihis ng maayos.

"Sorry" dispensa nya at parang nasisilaw na lumihis ng tingin sakin.

Pumasok ako sa kwarto ko saka mabilis na nagbihis. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ford nang ganito kaaga, baka kasi asarin nya ko bigla kasi natulog kami na nakayakap pa ko sa kanya.

"Good morning Ford, sorry. Wala na kong stock ng foods para makapag-almusal tayo ee, wait. Bibili mu-" bati ko sa kanya.

Magiinsist sana ko na bumili muna ng pandesal sa kalapit na bakery para at least may maialmusal kami bago umalis.

"No need, I can manage" sabi ni Ford habang hawak pa yung kamay ko.

"Ill miss you Ces"

Hindi ko alam kung inaantok ba ko, or mahina yung reception ng tenga ko at tama ba yung pagkakarinig ko sa sinabi nya.

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

"This coming days, hindi na ko magpapakita sayo. Busy na ko for my training, voice lessons and tapings para sa Pinoy Boyband" sagot nya.

"Kaya nga sinulit ko na yung gabe na kasama kita, makasama ka. Sayo kasi ko kumukuha ng lakas ee"

Hindi ko alam kung bakit sinasabi sakin to ni Ford, as far as I remember, wala naman kaming relasyon. Pero bakit ganun yung mga choices of words nya? Ang weird.

"Wag kang mag-alala, gagalingan ko para sayo. Ill make you proud"

Tapos bigla nya kong niyakap. Gusto ko sanang sumagot pero hindi ko alam kung bakit napipi ko.

Shock was an understatement sa mga sinabi at yung pagyakap sakin ni Ford. I mean, ngayon nya lang ako niyakap ng ganito kahigpit. Whats the meaning of this?

"A-ano, ano ka ba? Proud naman ako sayo ee. Duh, saka naiintindihan ko naman ee. Go ahead, galingan mo aa? Mamimiss din kita" finally, nakapagsalita din ako.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon