Chapter 49 | Apologize

193 4 4
                                    

"She is not the girl she used to be"- (Random Facebook Poems page)

•_•_•

Hindi ko ine-expect na ganung makikilala agad ako ng mga tao sa labas. I mean, masyado kasing kong naging primitive lately dahil sa mga nangyare, nanakawan ako last time tapos biglang may ganitong mangyayare pala. Ilang araw lang na hindi ako nakalabas ng bahay parang sobrang nanibago na ko.

Pumasok ako sa school na pinagtra-trabahuhan ko pero sa daan pa lang, iba na yung tingin sakin ng mga tao at parang kinikilala nila ko

"Diba ikaw yung nasa Facebook?" Tanong nung isang babae sa jeep.

"Po?" Patay malisya ko na lang.

"Ikaw nga! OMG! Yung kumakantang teacher! Wow. Pwedeng magpa-picture?" Sabi nya at naka-akma na yung camera nya at nakipag-selfie sakin.

Hindi ko maipinta yung mukha ko pero syempre kailangan kong ngumiti. Sabihin pa nya "uma-attitude" ako or what. I just smiled at her at nagpasalamat.

"Ang galing mo naman. Ang ganda kaya ng boses mo, at Teacher ka pa. Sang school ka nga nagtuturo?" Pagtatanong nya. Sakto naman na bababa na din ako.

"Hahaha. Dito na din, manong para ho!" Sigaw ko sa driver.

"Dito, ugh. Una na din ako aa. Thank you" sabi ko bago bumaba.

"Ingat ka Mam, thank you din" sabi nung babae.

Geez. Ang awkward pala ng may magpapa-picture sayo in public. Tapos bigla ko pang naalala na si Ford ganun din ang sitwasyon nya before, pero syempre given na. Gwapo naman kasi talaga si Ford so hindi na nya magagawang maconscious sa kung ano mang itsura nya. Compare nyo naman sakin, haggard at stress dahil sa mga nangyare this past few days at not to mention na hindi pa ko ganung nakakapag retouch dahil nagmamadali akong pumasok.

Pagdating ko sa faculty room. Para bang nakakita ng multo yung mga co-teachers ko at sumigaw sila nung pagpasok ko. Yung sigaw na parang nagulat sila or what.

"Hoy. Nandito na pala ang singing Teacher natin ee!" Sabi ni Mam. Flor. Yung isa sa mga close friends ko at co-teacher din.

"Oo nga. Grabe. Proud na proud sayo ang Valenzuela Integrated High School!" Sabi naman nung isa.

[A/N: Fictional lang yung name ng school. Bare with me please]

"Nakakatuwa ka naman Mam. Ces. Sikat ka na talaga. Baka mamaya magulat na lang kami, ini-interview ka na sa Rated K, o kaya sa Jessica Soho. O kaya pitawag ka ni Ellen Degeneres. Ayyy!" Wow. Nagco-conclude na agad sila. Ibang klase

Ngi hindi nga pumapasok sa isip ko yan ee. Kasi as much as possible, I have to keep myself lielow from the public eye. Ayoko ng madaming nakakakilala sakin. Kasi ayoko din kasing dumating sa point na dadami at dadami yung mangingialam sa personal life ko. And Im not that kind of person. Kung kaya kong maging introvert, kung kinakailangan. Ginagawa ko. But as a teacher, syempre hindi naman pwede yun.

Pagpasok ko sa section ko for their first class. Nagulat ako kasi may mga banderitas na nakasabit sa may room at nakagayak yung teacher's table ko

"Welcome back Mam!" Sigaw nung mga bata sakin. Para naman akong nangibang bansa at ang bongga ng salubong nila sakin.

"Oy mga beshie! Mga mareshkie! Paupuin na ang inang reyna" sabi ni Jericho kaya yung mga other boys eh dinala yung mga gamit ko at pinaypayan naman ako na parang donya habang naglalakad ako sa harap ng mga babae

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon