Chapter 61 | Love and Lies

138 3 0
                                    

"I have loved you for many years, maybe I am just not enough. You've made me realize my deepest fear by lying and tearing us up"- Im Not The Only One (Sam Smith)

•_•_•

"Bakla! Ano nangyare!?" Tanong ni Chester pagdating ko sa bahay nila. Dun kasi ko dumerecho pagkagaling ko sa Resort World.

"Bakla! Ano ba nangyare!? Bakit ka umiiyak? Finals ng Pinoy Boyband Superstar ngayon aa? Ano, natalo ba si Ford?"tanong na naman nya kaya napayakap na ko sa kanya kahit na nandun yung jowa-jowaan nya at naglalandian sila sa sala.

"Ay Jeric. Ano, pwede iwan mo muna kami nito? Sensya na aa. May problema kasi tong friend ko ee" sabi nya dun sa boylet nya at nagabot ng 500 nung palabas na ng pinto. Ang landi talaga

Umupo kami sa sala at dun ko nilabas lahat ng galit at hinanakit ko.

"Oh ano ngayon, akala ko ba he deserves to be happy ka pang nalalaman dyan, oh ngayon binabawi mo na diba? Impakta ka ee" yun agad ang bungad nya. Akala ko pa naman susuportahan at ico-comfort ako. Baklang to.

Bigla ko tuloy naalala yung huling paguusap namin noon na tinanong nya ko kapag nakita ko nga na may lumalandi kay Ford.

"Bakla, ibang usapan naman kasi yun. Yung malanding Bettina na nambusted kay  Ford nung High school naman kasi yung usapan dito" sagot ko.

"Ay ganun, eh paano kung kunwari si Angge naman ang nakita mo na ginaganern din si Ford? Ano mararamdaman mo?" Tanong naman ng Chester.

"Edi babaliin ko leeg nya. Impaktang Angge yun" sagot ko. Kung naghahapunan malamang ang gaga malamang nabibilaukan na yun ngayon.

Nakatikim tuloy ako ng kutos at sampal sa malanding kabayo.

"In short, magagalit ka pa din. Gagang to. Oh ngayon, alam mo na yung feeling ng nagseselos, diba? Namnamin mo. Lasapin mo" sabi ng Chester. Oo na, binabawi ko na. Pero bwisit pa din talaga yung hinalikan ni Bettina si Ford sa harapan ko at sa labi pa. Sige, mapapatawad ko pa kung sa cheeks lang ee. Eh sa labi yun. Kung baga, inagaw nya sakin ang grand prize.

"Okay Cecilia, look to the left" sabi nya kaya tumingin naman ako sa kaliwa.

"Now look to the right" kaya tumingin naman ako sa kanan. Epek nun

"Oh anong echos yan bakla?" Tanong ko.

"Wala naman, isipin mo na lang. Sinampal kita ng malakas. Ganern. Sarap mong sampalin at hambalusin ng katotohanan ee. Trini-triggered mo ko ee" sabi nya.

"Bakla. Sorry na kung nakastorbo ko sa moment mo ng jowa mong mukhang papel ang katawan dahil sa tattoo" sagot ko.

"Ang judgemental mo talagang impakta ka! Teacher ka pa naman!" Reklamo nya. Nagsabi lang naman ako ng totoo, paano naging judgemental yun? Eh totoo naman. Ginawang coloring book ang braso at likod nya. Buti nga hindi ko sinabing mukhang takas ng bilibid ee. Oopps. Sorry

"Saka hindi naman yun ee. Okay lang si Jeric lang yun. Eh ikaw, ano. Ano paliwanag ni Fordoy?" Tanong nya.

"Wala. Hindi nya daw sinasadya" sagot ko. Wow. Nagimbento pa ko. Eh honestly, hindi ko naman talaga sya binigyan ng chance para magpaliwanag. Pero nakita ko na naman yung nangyare ee.

"So ano, hindi sinasadyang mahalikan? Eh kung halikan kaya kita ngayon tapos sabihin ko na hindi ko sinasadya?" Medyo beastmode na sagot nya.

"Baks. Virgin pa labi ko, saka hindi ako humahalik sa kabayo" sagot ko kaya nakatikim ako ng sabunot sa kanya. Ang bigat talaga ng kamay ni gaga.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon