"So easy to say the word "goodbye". So hard to let the feelings die" - Starting Over Again (Toni Gonzaga)
•_•_•
Days and weeks passes.
Madami-dami na din yung nagbago simula nung naghiwalay kami ni Ford. Though I have to admit, masakit pa din naman yun sakin. Mabuti na nga lang semestral break natapat yung time na yun, at least hindi ganung ma-aapektuhan yung trabaho ko. During those times, sinanay ko lang ang sarile ko na magisa.
Isang matinding adjustment din yung pag-gising ko sa umaga na una ko agad hinawakan yung phone ko at tinitignan kung may long sweet morning message si Ford. Kaso wala, wala na nga. Imposible na ulet magkaron nun. Masasabi ko sa sarili ko na namimiss ko si Ford. As in, namimiss ko talaga.
Kaso wala namang "time first" na ngayon. Hindi na to laro ng mga bata na pwede mong sabihin yun saka mo gagawin kung ano ang gusto mo. Wala na, what is done is done. I chose this, so be it.
I just divert my attention sa sarili ko. I escape on my comfort zone. I tried Zumba and Yoga which is sa una, trip-trip lang at nakikisabay lang ako sa mga co-teachers ko kapag may session sila every friday afternoon. Parang bonding na din ng faculties yun kaya naenjoy ko naman kahit papano at na-aadapt ko na din at ginagawa na ding libangan.
As much as possible, I keep myself preoccupied. Busy ko sa work ko as a teacher, kapag weekends tutor ni Geco at minsan, kung may time at sweldo ko. Nagsho-shopping ako magisa o di kaya isasama ko ang mga impakta kong kaibigan. I keep myself surrounded with other people kasi alam ko na hindi ko kakayanin na magisa. Magisa na nga lang ako sa apartment ko, magse-set pa ba ko ng imaginary barriers sa mga taong nakapalibot sakin dahil lang sa broken hearted ako? Nah. I need to grow up. Maturity strikes me real hard. Hindi na to pambatang laro na "hindi natin sya bati" system ang labanan.
Alam naman nila Chester at Angge yung tungkol sa break-up namin ni Ford. Na explain ko naman sa kanila yun ng maayos at maayos din nilang tinanggap. I mean, just like me. Hindi naman sila nagalit kay Ford or what. The thing is, wala naman kasi talagang dapat ikagalit kay Ford. Kung meron man, siguro maliit na bagay na lang yun na hindi na dapat pang palakihin.
Parehas naman kasi kaming nagkulang, wait. "Nagkulang" is not the operative word. But sort of, siguro ganun nga talaga. Nawalan kami ng time ni Ford sa isat isa recently. For almost a months, busy ko sa trabaho ko and such personal agendas and so do Ford na busy na sa Pinoy Boyband.
And yes, youre maybe wondering pero hindi naman ako galit kay Ford because of his denial. In fact, ako na din naman ang nagsasabi sa kanya na okay lang naman yun kung darating man yung point na yun. Matatanggap ko naman and tatanggapin ko naman kasi that is showbizness. Oo, hindi naman na ko magpapakaplastic pa. Nasaktan ako dun sa interview or interogation kay Ford na yun. Pero hanggang dun na lang siguro yun. Nasabi nya na yun ee. Nakapagpaliwanag na din naman sya sakin thru text.
Yes, I received a text message kay Ford that night after we split out. Nagulat nga ako kasi ang haba talaga, walang-wala yung mga shorts reply nya sakin. Yung tipong magpapanovena na nga ata ako kasi nobela talaga.
To summarize the said message, nagpaliwanag sya na yun nga ang bilin sa kanya nung management. Which is acceptable naman para sakin. Wala naman kasi ko sa posisyon para humadlang pa dun. Nagsorry din sya kung hindi nya sinabi sakin agad na may pinirmahan syang kontrata na under na sya ng nasabing management or talent coordinator whether he win or lose in Pinoy Boyband.
And siguro, may part na naiyak ako sa last message nya na babalikan nya daw ako. Maghintay daw ako, hintayin ko daw sya. He will fix this things and such. Ako naman, ayoko na ding bigyan ang sarile ko ng pag-asa na baka pwede pa. Kasi just like a movie na napanuod mo na, bakit mo pa to tatapusin kung alam mo na din naman ang magiging ending?
As much as possible, magiging okay na ko. Magiging okay din ako, maybe not now. Pero time will come. At masasabi ko na magiging okay talaga ko at wala ng sakit, wala ng awkwardness or guilt. Susuportahan ko si Ford even though hes not mine anymore. Siguro darating din yung point na makakahanap na sya ng bagong girlfriend nya, which is obviously alam ko na mas angat sakin. But then, I will choose to support him sa lahat ng decision na gagawin nya sa buhay nya. I made a promise to him, dapat lang siguro na panindigan ko yun. Hindi naman porket natapos na ang isang relasyon eh tatapusin mo na din yung promise mo sa kanya and bibitawan mo na lang sya bigla. Have some balls, dear. Alam kong parang ang tanga at awkward nun. Pero still, you said it. So be it.
I watch his performances in Pinoy Boyband. Napakagaling. Wala akong masabi. Lagi syang nakakakuha ng mga good reviews sa mga judges. Grabe nga din ang hiyawan ng mga fangirls nya sa studio. Honestly, dati medyo threatened ako sa kanila. Pero ngayon, nope. Wala na. Ford deserves to have that number of fangirls supporting, and admiring him. Talagang todo effort pa sila sa tarpaulins and banners for Ford at talagang maririnig mo yung pangalan ni Ford na sinisigaw nila kahit na alam kong paos ang aabutin nila after.
I supported him even though Im in the sideline. And to tell you, wala naman akong balak magpapansin sa kanya or what. Im happily, and silently supporting him. As I said, relasyon lang naman ang nawala samin ni Ford. Communication nga lang kung tutuusin. Pero yung pagmamahal, at suporta ko sa kanya. Hinding-hindi yun mawawala.
"Grabe, ang matured mo na talaga bakla. Kung ako yun, nagiiyak pa ko hanggang ngayon"sabi ni Chester.
"Alam mo baks. Kung hahayaan mong lamunin ka ng bitterness at sakit, wala talagang mangyayare sayo. You have to rise up. Madami pang magagandang bagay ang mangyayare sa buhay natin. Siguro part lang yun para i-test tayo kung gaano tayo katatag. Pero eventually, we will get use to it. Kung nadapa, bangon. Ganun" sagot ko
"Okay, candidate number one. Ms. Cecille Joyce Dominguez!" Kantsaw ni Angge na parang Steve Harvey na nagho-host ng Ms. Universe
"Buti ka pa nga ee, hindi ka yung other girls dyan na kapag narinig yung pangalan ng ex nila eh magagalit or magrarant or whatsoever chuvaness" sabi ni Chester.
Seriously? Ano ba ang pwede kong irant kay Ford? Wala naman kasing third party involved. Walang cheating and misunderstanding na nangyare. Sadyang mali lang talaga siguro yung relasyon na pinasok namin. But in the end, still Im thankful kasi dumating sya sa buhay ko, and he made me happy kahit na panandalian lang.
As were busy shopping sa isang Department store. Habang naglalakad kami papunta sa counter. Nagulat ako kasi bigla kong nakasalubong si Niel.
Yep. Niel na bagets, yung kasamahan nila Ford sa Pinoy Boyband.
"Ate? Ui. Hi!" Nagkagulatan pa kami. Out of nowhere nagkita kami.
"Niel, right? Hi. Kamusta? Ano ginagawa mo dito?" Medyo naniniguro pa ko. Naka disguise kasi sya, or basta. Nakasuot kasi sya ng shades at cap kaya medyo hindi ko sya nakilala.
"Estudyante mo, baks?" Tanong ni Chester.
"Ah, hindi. Ano, kaibigan ni Ford. Niel, ugh. Si Chester nga pala saka si Angge, friends ko" pakilala ko sa isat isa.
"Hello" bati ni Niel
"Sino kasama mo? Ikaw lang?" Tanong ko
"Nope, actually kasama ko ang mga kuya" sagot nya. Wait. Ang mga "kuya" so means na nandun si Ford?
"Ah, sige. Una na din kami aa? Nice to see you, bye" paalam ko na din.
"Teka, ate. Ayaw mo bang makita si Ford?" Tanong nya. Hindi pa nya siguro alam yung nangyare.
"Ano kasi, nagmamadali na din ako. Pakisabi na lang, kinakamusta ko sya" sagot ko at dumerecho na kami sa counter at nagbayad ng mga pinamili namin.
"Omaygad. Maturity it is" may pa sarcastic na sabi ni Angge habang nagbabayad kami.
Hindi naman ako makapagsalita.
Natahimik ako. Pero honestly, hindi ko alam pero may part sakin na hindi ko pa kayang makita si Ford ulet. Hindi naman sa pagiging bitter or what. Pero alam ko kasi na magiging awkward lang yun. And Im on the process of healing pa.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...