•_•_•
"Thank you Ces!" Sabi nung DJ pagkatapos kong kumanta.
"Thank you din po!" Sagot ko. Grabe, iba pala yung feeling na kumakanta ka, at naririnig ng maraming tao.
"Sobrang heartfelt nung song na kinanta mo. Iba ee. May pinagde-dedicat-an ka ba nyan?" Tanong nung DJ.
"Hahahaha. Actually, meron po" sagot ko na kinalaki naman ng mata nung DJ at parang nabigla.
"Then who? Who is that lucky guy?" Tanong nya
"Boyfriend ko po" sagot ko na medyo bragger na datingan.
"Ohhhhhh" parang kinikilig-kilig na reaction nung DJ.
"Kilala ko ba to, nag-research kasi kami sayo. At may nakapagsabi na, nasa showbiz daw ang boyfriend mo" paintrigang tanong nung DJ na medyo nashock naman ako.
"I invoke my rights for privacy. Hahahaha" sagot ko na lang na medyo showbiz.
"Oh. Okay, understood. Pero youre lucky to have him. And hes lucky to have you. Parehas kayong singer" pagbibigay ng clue nung DJ. Yung mga staff sa loob parang naggu-guest na kung sino.
"Alright then, thank you for tonight Ces. Were happy to have you here" sabi nung DJ at natapos na yung guesting ko at nagconmercial na.
"Thank you po. Thank you po" sabi ko na parang japanese at may pagyuko dun sa DJ at dun sa mga staff.
"Youre welcome, thank you din" sagot naman nya.
Since nasa may Eastwood kami. Iinvite ko sana ng isang coffee treat yung DJ. Kaso paglabas ko ng bus, or yung mobile station. Nagulat ako kasi nandun si Ford na may dalang flowers.
"You never failed to make me proud" sabi ni Ford sabay kiss sakin at abot ng white roses. And alam nya talaga kung ano favorite ko.
Tinignan ko yung reaction ng DJ na parang kinikilig-kilig. Kahit naman kasi ko, nagulat sa biglang pagpunta dito ni Ford. May pasabog pang pabulaklak after ng guesting ko.
"Sabi ko na nga ba ee. Hahaha. Bagay kayo" sabi nung DJ samin bago sya umalis sandali kasama yung ilang staff.
"Ano ginagawa mo dito? Binigla mo naman ako" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa isang coffee shop sa may tabi-tabi.
"Syempre. Proud na proud ako sayo. Milestone to para sakin. Marinig ko lang ang girlfriend ko na kumakanta sa radio. Sobrang saya ko" sabi nya habang naka-akbay sakin kaya kinikilig-kilig naman ako.
Nung nasa may table na kami sa labas. Nandun pala yung mga boys at kasama ni Ford habang nagli-livestreaming sa Wish107FM. Napaka supportive naman ng mga boys natin.
"Ang galing mo talaga Ate Ces" compliment ni Niel
"Ang ganda ng boses mo. Ang galing din ng facial expressions mo. Tapos sobrang ganda mo pa. Grabe. Ford, wag na wag mong sasayangin to" sabi naman ni Joao
"Ang galing mo Ces. Nakakaproud. Iba talaga mga Bulakenyo" sabi naman ni Tristan. Masyadong proud ang kuya natin.
"Ganda" yun lang yung sabi ni Russell kaya nakatingin sa kanya yung lahat.
"Yun lang,bro?" Tanong naman ni Joao
"Nasabi nyo na lahat ee. Uulitin ko pa ba?" Pasarcastic na sagot nya.
Libre ni Joao yung foods and drinks kaya happy-happy kami dun na nakatambay. Dahil medyo classy, or basta. Hindi naman pinagkakaguluhan or something yung mga boys dahil parang normal-normal lang sila dito. Unlike siguro kapag dinala mo sila sa Divisoria eh baka hindi na sila makauwe ng buhay.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...