FORD
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh ohTandang-tanda ko pa. Eto yung kanta na pinang-harana ko sa babaeng nililigawan ko nung High school pa ko.
Habang nagmumuni-muni ko nung breaktime namin sa rehearsal. Bigla lang pumasok sa isip ko to. Bukod kasi na yun ang ginamit kong piece para sa audition sa Pinoy Boyband. Etong kanta din ang kinanta ko kay Bettina noong panahong inlove pa ko sa kanya.
Well, sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda nya nung High school? Para talaga, o literal na walking barbie nga ang tawag sa kanya sa school namin dati ee. Ang ganda-ganda nya kasi. Matalino. May height at talagang Ms. Universe material kaya aaminin ko, patay na patay ako sa kanya dati.
Marami kong nakaagaw o naging karibal sa panliligaw sa kanya. Pero, boses at itsura ko lang naman ang puhunan ko noon kaya naging close kami, kahit papano dahil kinantahan ko sya noon sa harap ng maraming tao. Naglakas loob lang ako, hanggang sa pinayagan nya kong manligaw sa kanya.
As days goes by. Halos lahat ng efforts ko binubuhos ko sa kanya. Nagtitipid ako ng baon para lang may maibili at maibigay sa kanya. Hinihintay sya kapag uwian nya. Ihahatid sya sa kanila at iba pang efforts na maisip mo. Ginawa ko na ata.
Pero at the end, ibang lalaki yung pinili nya dahil ako, sino nga naman ba ko? Wala kasi kong kotse o di ako kasing yaman ng naging manliligaw nya na talagang mayaman at malakas din ang dating.
That night, sobrang lungkot ko. Iyak ako ng iyak. Wala akong pakialam kung gayshit man tignan pero sobrang sakit talaga. Akala ko ako na, akala ko okay na ko. Hindi pa pala. Saan ba ko nagkulang? Lahat naman ng efforts ko binigay ko sa kanya, pero para sa kanya kulang pa din at nagawa nyang baliwalain.
Oo, aaminin ko dinadala ko pa din yung sakit na yun. But not this time because I have Ces now. Okay na ko, in fact. Sya ang dahilan kung bakit nakalimutan ko din agad yun.
Ces is always there for me. Siguro kung may isang bagay man na sobrang nagustuhan ko kay Ces, yun ay dahil hindi nya talaga ko iniwan. She made a promise and proved it. Evidently hanggang ngayon. She never failed to comfort me, text me whenever Im feeling down. Tumatawag para kamustahin ako, kumain na ba ko or what. I remember the night na bumili talaga sya ng isang case ng beer para lasingin ako. No, its not what youre thinking. Alam nya kasi that time na alcohol yung naging stress absorber ko at pinagdala nya talaga ko sa bahay kasi alam nya na mas sasaya at makakalimot ako dun. Yes, sobrang kunsintidor ni Ces sakin sa lahat ng bagay. Kahit na napagalitan din sya ni Mama that time kasi hinayaan nya lang akong uminom.
Nakakatuwa din palang alalahanin yung mga bagay na yun. Look at me now, bolder and fiercer. Hindi ko na masyadong iniisip yung mga heartbreaks ko noon kay Bettina even though we are on the same side.
Ang ironic no? Yes, nagkita kami ni Bettina recently after so many years. Ganun pa din sya. Maganda pa din, model material pa din dahil isa syang brand ambassador ng isang clothing brand. Mina-manage din sya ng talent manager na nagmamanage din samin. Kaya nagkita at nagkausap kami ulet.
I have to admit, nasabik akong makita sya. Oo. Nagusap-usap kami about random stuffs. Kwento about sa buhay namin, lovelife like that pero hanggang dun lang. Sinabi ko din sa kanya na I have Ces now as my girlfriend.
But surprisingly, shes being so desperate. Nagbreak din daw kasi sila agad nung lalaking nanligaw sa kanya noon. And hanggang ngayon, wala pa din daw syang boyfriend dahil career daw muna ang priority nya. Ang nakakatawa lang dun, pinipilit nya ko na ligawan ko sya ulet. Siguro sabihin na natin na pa sarcastic yung pagkakasabi nya, pero seriously. Gawain pa ba ng isang matinong babae yun?
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...