Chapter 57 | Art of Letting Go

135 6 1
                                    

"Only know youre high when youre feeling low. Only hate the road when youre missing home. Only know you love her when you let her go, and you let her go" - Let Her Go (The Passengers)

•_•_•

Its been one hour since nung nakaalis si Ford sa apartment ko yet my thought is haunting by him and it literally kills me. Sino ba may gusto na maglihim sa taong mahal mo diba?

Para kong ginigisa sa sarili kong mantika. Hindi ko alam yung feeling. Para kong nakokonsensya na ewan. Nagtatalo na yung inner self at yung konsensya ko. Paikot-ikot lang ako sa kama ko at hindi alam kung paano sisimulan kung paano sasabihin kay Ford yung tungkol sa pagalis ko.

"Ford. May sasabihin sana ko sayo" sabi ko on my own point of view

"Oh, ano yun?" Sagot ko din sa sarili ko na medyo nilalakihan ang boses ko. Kunwari sinasabi ko na kay Ford yung gusto kong sabihin at iniimagine ko yung posibleng sagot nya.

Parang tanga lang diba?

"Aalis na kasi ko. Pupunta na ko ng Singapore"

Dali-dali kong sinampal ang sarili ko at sinabunutan ko yung buhok ko. Ang lame at ang shitty Ces. Masyadong mabilis.

"Ford, ano kasi ee. Pupunta ko ng Singapore para makasama ko na si Mama" I started another point of view pero it ended up na sinabunutan at sinampal ko na naman ang sarili ko dahil alam kong sobrang sabaw ng magiging paguusap namin ni Ford kung sakali.

"Ano ba, paano ko ba sasabihin?" Tanong ko sa sarili ko. Eto na naman ako, mukha na namang tanga at kinakausap ang sarili

Dali-dali kong kinuha yung phone ko at dinial yung number ni Ford ng walang dala-dalawang isip. Nung nakaapat na ring na. Ibaba ko na din dapat kaso sinagot agad ni Ford.

Okay self. Kalma. Hingang malalim

"Ba, napatawag ka?" Bungad nya. Wala man lang hello, diba?

"Ha, ah eh. Wala lang. Ano, nakauwe ka na ba?" What the fck. Facepalm. Sabaw. Sa ABS nga pala sya dumerecho.

"Nasa boys quarters ako ngayon ee" sagot nya. Oo nga pala. Ang awkward nito

"Ay. Hahaha. Okay. Ano, kumain ka na ba?" Trying to divert the topic. Para hindi masyadong halata na napahiya ako.

"Namiss mo na agad ako" sagot nya. Yea. Obviously

"Free ka ba bukas? Gusto kasi kitang kausapin" dere-derechong sabi ko. Word vomit. Nasabi ko ba talaga yun?

"Sige-sige. Tungkol saan ba?" Tanong nya.

"Basta. May gusto lang akong sabihin sayo. Importante lang. Hindi kasi pwedeng sabihin sa phone lang ee" sagot ko. Pinagpapawisan ako habang kausap sya sa phone. Mygod. Kinakabahan ako sa posibleng mangyare bukas.

•_•_•

Umaga pa lang. Hindi na ko mapakali. Parang nagpre-precondition na yung isip ko na may hindi magandang mangyayare. Siguro sobrang paranoid ko lang talaga or what. Pero para kasing may nagsasabi sakin na hindi maganda yung patutunguan ng paguusap namin ni Ford mamaya.

Nung pasakay na ko ng jeep pauwe. Napapahilamos na lang ako sa sobrang pawis ng mukha ko at parang hindi ako makahinga, sa sobrang kaba at nerbyos. Sobrang tensyonado ko na talaga at konti na lang baka nga magtae pa ko. Grabe. Parang sobrang constipated ko.

Nung nakarating na ko sa apartment ko. Sakto naman na nakatayo dun si Ford at hinihintay ako.

"Ford?" Tawag ko at nung pagharap nya. Nakita ko na may bakas ng luha yung mata nya at masamang nakatingin sakin. May hawak din syang envelope na nandun yung passport at yung mga papeles ko.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon