Chapter 51 | WishFM Guesting part 1

161 6 1
                                    

"But how, do you expect me? To live alone just me? Cause my world revolves around you its so hard for me to breath. Tell me how is to breath with no air. Cant live, cant breath with no air. Its how I feel whenever you aint there. Its no air" - No Air (Rachel Berry and Finn Hudson GLEE version)

•_•_•

"Hoy. Wag na nga kayong maingay dyan. Nakakastorbo kayo sa nagmomoment ee" saway ni Tristan habang nagu-uno sila Joao. Niel at Russell. Medyo okay na yung mga boys. Bati-bati na sila unlike kanina. At nandito pa din sila sa apartment ko

"Ay. Sorry po" sabi ni Niel at tumahimik

"Shut up Niel. Ilista mo kung sino noisy at standing" sabi naman ni Russell na parang teacher ng elementary.

"HAHAHAHAHA" tawanan na naman kami. Ibang klase talagang mag asaran tong mga boys na to.

"Ano ba!? Number 1. Ate Ces. Number. 2. Ford" sabi ni Niel na kunwari nga naglilista at talagang sinulat yung pangalan namin sa isang white board na nakalagay sa dingding.

"Hoy! Para kang--" magsasalita pa sana si Joao kaso sinulat na din ni Niel ang pangalan nya. Ang lakas talagang mantrip ng bunso natin.

"Ces, diba--" kakausapin sana ko ni Tristan kaso nilista din ni Niel yung pangalan nya.

"Alam mo Ces, hindi ko akalaing sisikat ka" pagpapatuloy ni Tristan habang pinapanuod yung video ko na kumakanta sa isang Facebook page.

"Oo nga no. 15 Million views na oh? Iba" sabi naman ni Joao

Naka "wala ee" pose si Ford na parang sinasabi nya na girlfriend ko yan ee.

"Bagay talaga kayo ni Ford, Ate. Sabi ko na nga ba ee. Kaya hindi kayo dapat maghiwalay kasi nga perfect match kayo" sabi ni Niel at tumigil na sa eme-emeng paglilista.

"Internet sensation ka na Ces" sabi naman ni Tristan at pumapalo-palo sa balikat ni Ford.

"Diba? Isang Internet sensation tapos isang Boyband Superstar. Bagay na bagay" sabi nya. I take it as a compliment though.

Honestly, hindi ko din naman kasi expected talaga na makikilala ko sa internet through my voice. And I have to admit, with that siguro mas lalong lalaki or should I say medyo hindi na kami magkakalayo yung gap namin ni Ford.

But still, nasa pagtuturo ang buhay ko and I have to choose one in case.

Not so recently, I received an e-mail from WishFM at sabi nila na mag-guest daw ako sa Radio Station nila and I never imagined. I have to admit, sobrang fan ako ng radio station na yun at lagi akong nakikinig sa kanila because minsan, nandun yung mga favorite singers ko na nag-guguest dun and it become a platform for the on the rise singers, just like me.

Dati pinapanuod ko lang sa Youtube sila Yeng Constantino, Morisette Amon and Bugoy Drilon na kumakanta dun sa mobile studio nila, which is yung nasa bus lang. Tapos ngayon, wow. Dadating din pala sa point na kakanta ko dun. Its a dream come true for me.

•_•_•

"Ba. Goodluck sa guesting mo aa. Make me proud" sabi ni Ford sakin nung mismong araw ng guesting ko sa WishFM

[A/N: Again, fictional lang to. So bare with me, please]

"Always. I love you. Thank you. Ikaw din. Galingan mo sa rehearsals nyo"sagot ko sa kanya.

Supposedly, dapat nga sasama sya sakin or ihahatid nya ko sa mismong place kung nasan yung mobile station ng WishFM but his time is not allowed. Busy na kasi sya sa Pinoy Boyband stuffs nya at palapit na din ang finals kaya sobrang patayan na ng trainings and rehearsals nila. And I do understand it naman.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon