Chapter 15 | Vacation

229 5 1
                                    

•_•_•

"Ate Ces!"

Ang masisiglang bati ng mga pamangkin ko yung sumalubong sakin pagpasok ko ng gate sa bahay namin.

"Ate!" Bati sakin ni Steven, yung bunsong kapatid ko at humalik sakin.

"Ces" matipid na yakap naman ang binigay ni Kuya Neil. Yung panganay namin

"Si papa?" Tanong ko at tinuro nila sakin sa sala kung san nakita ko yung papa ko na nanunuod ng isang pelikula sa Star Movies.

Lumapit ako at nagmano sa papa ko. Yumakap sya sakin ng sobrang higpit na parang sobrang miss na miss nya ko.

"Kamusta na ba ang kauna-unahang teacher sa pamilya natin?"

Wow, masyado naman akong natuwa sa pangangamusta ng papa ko.

Eto po, broken hearted.

Gusto sana ng malungkot na inner self ko na yun ang isagot ko. Kaso hindi pwede

"Okay naman po! At, wag po kayo mawawala sa graduation ko aa?" Masiglang sagot ko na nakita ko naman sa mukha ni papa na proud sya sakin

"Yun! Congrats!" Bati ni papa at hinalikan ako sa pisngi at saka pinisil-pisil pa na parang cute na cute sya sakin.

"Kung nandito ang Mama mo, malamang sobrang saya din nun. Nagbunga lahat ng paghihirap namin para mairaos namin kayo sa kolehiyo" ayan, medyo lumulungkot na yung aura ni papa.

"Syempre naman pa'. Malaki po utang na loob namin sa inyo" sagot ko habang nakayakap sa kanya.

"Thank you din pa'." Sabi ni Kuya Neil. Kagra-graduate lang din ni kuya last year as Civil Engineer and hes currently preparing to take the Licensure exam na din.

"Kaya ikaw, hoy Steven. Wag ka muna maggi-girlfriend aa? Unahin mo muna pagaaral mo" pangaral ko sa nakababata kong kapatid.

Steven is in his 2nd year as a Information Technology student somewhere in Malolos. And a consistent dean lister din. Kaya proud din ako sa bunso namin.

"Asus ate, coming from you aa? Eh ikaw nga may boyfriend na ee. Yung dati nating kapitbahay sa Valenzuela?"

What the hell. Bat na naman naipasok sa usapan si Ford?

"Tsss! Eto issue. Friend lang naman kami nun ee!" Sagot ko na kinatawa naman ni papa.

"Anak, eh diba, dyan din naman nagsisimula ang lahat?" Pangaasar ni papa.

"Pa! Duh. Studies first kaya ako" sagot ko na kinatawa naman nung dalawa kong kapatid at naka cringe na mukha ni papa na parang inaasar ako.

"Talaga ba? Alam mo, Ces. Nasa tamang edad ka na din naman. Pwede ka ng, alam mo na"

Si papa kasi yung tipong susuportahan ka talaga sa lahat ng bagay, even my lovelife. Hindi sya yung ibang tatay dyan na strict or what, minsan nga nakipaginuman pa yun sa nanliligaw sakin last year ee. Tsk. Ibang klase. Pero binusted ko din naman, its another story though.

"Pa. Look, magiging successful muna ko bago ko magboyfriend. Saka Ill make sure na professional din. Hindi yung napulot ko lang dyan sa kanto" sagot ko.

"Akala ko hindi yung kapitbahay natin dati" pangaasar na naman ni Steven. Nakakainis na.

"Hindi ka pa nga marunong magluto ee! Hahaha"

Medyo napikon na ko kaya hinabol ko na talaga sya na parang mga batang naglalaro. Tawang-tawa naman sila papa at kuya Neil saming dalawa.

How I miss my siblings. Big time. I miss the Bulacan vibe. The vacation, and the fun just got started.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon