•_•_•
Supposedly pupunta ko sa bahay nila Ford after my work kasi magkalapit lang din yung school na pinapasukan ko at yung bahay nila. Usapan na namin yun to be honest, kaso medyo nalate nga ako gawa ng may inasikaso pa ko sa faculty room at yung eksena sa gate.
"Naku, late ako. Pinuntahan mo pa tuloy ako. Sorry" sabi ko na lang nung naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.
"Okay lang. Hahaha" sabi nya at saka naka-akbay sakin. In all fairness, para sakin hindi nakabawas sa machismo nya yung pagdadala nya ng bag ko, at talagang nakasabit pa talaga sa balikat nya at parang mino-model nya yung Secosana na bag ko.
"You never failed to make me proud, Ba. Youre beautiful, inside and out. Kaya mahal na mahal kita ee" sabi ni Ford at mas lalo akong dinikit sa kanya habang naglalakad.
"Nambobola ka na naman Ferdinand" sagot ko. Kunwari patay malisya. Kunwari hindi kinikilig.
"Seryoso yun Mam. Cecille" pangaasar nya kaya nakatikim sya ng isang slight na suntok sa tyan nya.
"Hahaha. Ang cute-cute mo talaga kapag naiinis ka. Lumalaki butas ng ilong mo. Hahahaha" pangaasar nya na naman. Malakas ding mantrip tong lalaking to. Seriously.
Medyo hindi ako umiimik. Nagpapabebe muna ko para at least medyo suyu-suyuin ng konti. Lambingin ng konti, pero ang Ford. Ayun, malakas pa ding mang-goodtime.
"Oh, bat ganyan ka naman makatingin?" Tanong ko kasi tinitignan nya yung suot ko. Plinantsa ko naman to aa? May dumi ba? As far as I remember, wala naman akong monthly visitor para tagusan ako? Bakit nya ko iniikutan ng tingin?
"Bagay na bagay sayo uniform mo, Ba. Professional na professional ang datingan mo" sagot nya.
I give him a cringe look. May problema ba si Ford? Puyat? Naka-droga? O sadyang nang-aasar lang talaga sya?
"Alam mo, para kang sira. Kanina ka pa ee" medyo iritableng sabi ko at inirapan sya. Nakuha ko naman ang kiliti nya kaya ayun na, naglalambing na si Ferdinand.
"Eto naman, hindi na mabiro. Sorry na. Natutuwa lang talaga ko sayo" sagot nya at naka-akbay na ulit sakin.
Nung nakarating kami sa bahay nila. Sakto na may matandang lalaki na naghihintay kay Ford.
"Ay, sir. Naku, sorry. Napaghintay ko po ba kayo?" Medyo tarantang approach ni Ford dun sa lalaki sa sala nila.
"Hindi naman. Kadadating-dating ko lang. Medyo naligaw pa nga ako papunta dito" sagot naman nung lalaki.
Hindi ko sya kilala, pero may dala syang mga folders at yung keyboard or organ ata to. Basta yung portable na piano.
"Shall we begin?" Tanong nung lalaki.
"Sige po, sir. No problem. Ay, by the way. Girlfriend ko nga po pala" pakilala sakin ni Ford dun sa lalaki.
"Ces, si Sir. Gery. Music instructor namin, sya yung nagco-coach at nagvo-voice lesson sakin, samin rather" at nakipag-shake hands naman ako dun sa lalaki. Wow. Looking at him, para talaga syang music genius or such. Basta, ramdam mo talaga na magaling sya.
Nakaupo lang ako sa sala habang pinapanuod si Ford na kumakanta. Nakakatuwa lang syang tignan, ganito pala ginagawa nya. Now I know at least alam ko na medyo mahirap pala talagang maging professional singer. Bawat line, dapat pulido ang pagkanta. Kapag hindi nya nagustuhan yung tono ng boses, papaulit nya talaga.
Yes I was born for you, and you were born for me---
Medyo perfectionist pala si kuyang nagpi-piano. Pero okay lang naman yun kay Ford at nakikita ko naman na nageenjoy sya sa ginagawa nya. I mean, he still managed to smile kahit na nagkakamali sya.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...