Chapter 54 | Dinner with FORDsters

174 9 2
                                    

•_•_•

"OMG. OMG. OMG. Makaka-bonding na naman natin si Fordie!"

Excited na sabi ng mga girls habang nasa taxi kami papunta sa isang kainan along Tomas Morato. Nakakatuwa lang, kita ko talaga sa kanila yung sobrang pagmamahal nila kay Ford. And infairness, pati sakin. Masyado naman akong alaga ng mga to. I insisted na ako na bahala sa pamasahe but they decline. Nakalibre tuloy ako.

Pansin ko din na may mga paper bags silang dala. Wow naman. Masyado namang ma-effort ang mga ate girls natin. A+ for efforts. Talagang mahal na mahal nila si Ford. Nakakatuwa lang.

"Guys, nandyan na sya" announce ko kasi nagtext na si Ford kaya masigla syang sinalubong ng mga fangirls nya.

Mas dumami actually ngayon kasi dito na ata naghintay yung iba. So halos maoccupy namin yung buong kainan.

"Order na kayo, guys" sabi ni Ford nung nakapasok at nakaupo na sya.

Si Rodmar (yung head admin) yung nag-asikaso ng mga orders. Una nya munang tinanong kung ano yung gustong kainin namin ni Ford tapos dun sa mga other girls.

"Ford, may Banana split sila, best seller nila dito. Gusto mo?" Tanong nya

"Ba, gusto mo?" Tanong naman sakin ni Ford at um-oo naman ako.

"Sige-sige. Kayo?" Sagot ni Ford at tinanong yung other girls.

Hindi ko sya ganung kinakausap kasi hinahayaan kong lumapit sa kanya yung mga newbies ng Fans club.

"Hi, Im Jay-ann. Jay-ann Mazo" pakilala ni girl at nakipag-selfie kay Ford.

Kinuha ko din yung phone nya para picturan sila ni Ford na nakayakap to sa kanya. To be fair, wala namang dapat ika-selos. Siguro, nung una. Oo, pero ngayon parang wala na. Kasi tanggap ko na naman na at alam ko na may definite na relasyon na kami ni Ford.

"Im Marys Quillao. Hahaha" medyo kinikilig si ate girl na magpakilala at nahihiya talaga sya. Grabe, natatawa na lang ako sa reaksyon nya. Para tuloy nanga-ngagat tong si Ferdinand

"Nahihiya talaga ko. Nakakastarstruck" sabi nya habang inabot kay Ford yung maliit na paper bag.

"Uy, grabe. Thank you" sabi ni Ford at yumakap at nag-cling dun sa girl kaya napatili at napatalon naman to sa kilig. Facepalm. Grabe, iba talaga charisma ni Ferdinand. Pamatay na

"Hoy teh. Mag hulos dili ka" Sabi ni Rodmar dun sa Marys

"Ang gwapo! OMG! Yieeeee" kinikilig pa din sya hanggang ngayon kaya natatawa na lang ako.

Habang hinihintay namin yung foods. Nagrequest naman sila ng kanta kay Ford, and this time. Nagrequest sila ng duet namin ni Ford.

"Dali na Ate Ces, please. Minsan lang to" request nung katabi ko. Si Princess, medyo magkatukayo kami sa nickname na "ces" to be honest.

"Gusto nyo ba talaga?" Tanong ni Ford na naka-akbay sakin.

"OO!" Sagot naman nung mga girls

"Ipapahiya ba natin sila?" Tanong naman nya sakin kaya no choice na ko kaya pumunta kami sa may pinaka center stage ng kainan

[A/N: Sa ikatatahimik ng lahat. To be specific rather. Hahaha. Shawarmama sa Tomas Morato talaga ang tinutumbok ko sa scene na to. (and dun sa last scene na kumanta din si Ford) Sa mga pumupunta ng ABS or GMA, daan kayo minsan dito. Swear. Masarap ang foods. Wala lang, nagpromote lang. Lol]

 Lol]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon