Chapter 63 | Happy Ending, it is?

195 5 3
                                    

"Oh I could say that Ill be all you need, but that would be a crime. I know I'd only hurt you, I know I'd only make you cry. Im not the one youll needing, I love you goodbye" - I Love You Goodbye (Juris)

•_•_•

I hope someday you can
Find some way to understand
I'm only doing this for you
I don't really wanna go,
But deep in my heart I know
This is the kindest thing to do

A familiar song plays in my iPod as Im busy packing my stuff. Somehow, this song jives in and depict my current agony with Ford.

Habang tinitiklop ko yung mga damit ko at inaayos yung maleta ko. Parang may bumubulong sakin na "wag ka na tumuloy" or what na gusto kong magback-out. But then, tulad nga ng sabi sa DOTA. The damage has been done. And I have to minimize the casualities by leaving Ford for good.

May isang damit dito si Ford na ginamit ko nung minsang nabasa ako ng iniinom kong iced tea one time. Nagdadalawang isip pa nga ako kung isasama ko ba o hindi pero it ended up na iniwan ko din yung nasabing damit na yun kasama yung mga binigay sakin ni Ford noon.

Yung t-shirt, orasan at kung ano ano pang abubot na pinapasalubong sakin ni Ford. Nilagay ko lang yun sa isang box at nagiwan ng letter sa kanya.

Yung letter na sinulat ko last summer nung nagbakasyon ako sa Bulacan. At feeling ko, hanggang ngayon naman ay tama pa din yung mga nakalagay sa nasabing sulat at inedit ko lang ng konti bago pina-print at nilagay sa kahon. Ibibilin ko na lang kay Angge na ibigay yun kay Ford kapag nakaalis na ko. Alam ko kasi na baka itapon lang ni Chester kapag sya ang pinagiwan ko.

•_•_•

Dumating na yung araw ng flight ko. All set na ko. Makakaalis na ko ng wala ng problema sa mga maiiwan ko. Nag file na ko ng resignation sa school na pinapasukan ko. Tinapos ko na din yung mga paper works and reports ko para sa magiging substitute ko sa nasabing school pati yung grades ng mga bata.

Siguro nga, masyadong mabilis yung nasabing pagalis ko pero pinayagan naman ako ng Administrators ng school pati ng Board of Regents para umalis at magresign.

Oo, hindi naging ganun kadali yung pagpili kong magtrabaho sa Singapore. And especially to my advisory class, those kids are like childrens to me. Imbis nga na maging masaya yung naging Christmas party namin eh naging tear jerking at parang naging recollection pa. But then, may tiwala naman ako sa magiging adviser nila next year. At least, bago ko umalis. Nakapagpaalam ako ng maayos sa mga bata.

Nagkaron din kami ng iyakan session ng mga bakla kagabi dahil nga last night ko na sa Pilipinas at lilipad na ko pa Singapore kinaumagahan.

"Bakla, bat ka umiiyak? Eto ang plastic mo. Tears of joy yan ee" pang-aasar ni Angge kay Chester dahil umiiyak na ang gaga.

"Tears of joy ka dyan? Gaga ka. Syempre mamimiss ko tong impakta, bruha, gaga at malanding baklita na yan. Kahit na flat chested yan. Tignan mo nga, ang ganda ng hinaharap nyan. Pasingapore, Singapore pa ang Cecilia oh?" Sagot naman ng Chester. Okay na ee, kailangan talaga may panglalait yung farewell speech nya? Tsss. Mga impakta talaga tong mga to. Kaya mamimiss ko mga kagagahan namin ee.

Nag-group hug kami sa kama ko at nagiyakan. Halatang ayaw naming paalisin ang isat isa.

"Bakla. Ang pangit ng mukha mo pag nalulukot. Tama na nga yan" sabi ko na lang at nagpunas na din ng luha ko.

"Gaga. Coming from you, ikaw nga mukha kang nakakain ng kalamansi sa sobrang iyak mo dyan" sagot naman nya at talagang nakataas pa ang kilay at nakapamewang sakin.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon