Chapter 60 | Mad

152 6 1
                                    

"Cant believe that Im the fool again. I thought this love will never end. How was I to know, you never told me"- Fool Again (Westlife)

•_•_•

"Ces. Ces. Ces! Listen to me! Listen to me!" Habol sakin ni Ford. Hindi ko sya nililingon at naglalakad lang ako palayo. Hindi ko kayang makita sya dahil naaalala ko lang yung eksena na naabutan ko kanina.

"Ces! Im sorr--" sabi nya nung nakalapit na sya sakin at hinawakan yung braso ko para mapa harap ako sa kanya. Pero yung isang kamay ko, parang may nagkusa dito para sampalin si Ford

Napatahimik lang si Ford habang nakahawak sa pisngi nyang nakatikim ng sampal.

"Hindi pa ko nakakaalis Ford. Ganito na agad makikita ko?" Tanong ko sa kanya. Nagpupunas ako ng luha ko para kunwari hindi ako apektado. Eto na naman ee. Gagamitin na naman nya kahinaan ko.

"Let me explain" pagmamakaawa nya habang pilit na hinawakan yung kamay ko.

"Im not having an affair with Bettina. Shes just being so pathetic. Shes begging me to court her again, then I said no kasi I have you" paliwanag nya.

Wow. Napaka affectionate nung kiss na yun. Tapos wala lang? Trip-trip lang, ganun? Dont get me wrong Ford. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Magsisinungaling ka pa ba?

"Wala. Ford, kitang-kita ng dalawang mata ko" sagot ko at natameme naman sya. Naguilty, I guess.

"Ano, hindi ka makasagot diba?"

Eto na naman, naiiyak na naman ako. Gusto ko syang sampalin ulet, suntukin or what sa sobrang galit ko pero hindi ko magawa. Wala ee, mahal ko pa din ee. Tanga na kung tanga.

"Its not what you think" sagot nya

"Ford! Ano ba? Wag ka na magpaliwanag, kitang kita ko na ee!" Naiiyak na sagot ko. Hahawakan nya dapat yung kamay ko pero nakatikim na naman sya ng panibagong sampal sa kabilang pisngi nya.

"Ford, youre breaking my heart"

Nung sinabi ko to para kong hihimatayin sa sobrang sakit. Naninikip na yung dibdib ko sa sobrang sama ng loob. Wala naman akong sakit sa puso pero eto pala yung feeling kapag sobra kang nasasaktan.

"Ces, Im sorry. Im sorry" pagmamakaawa nya.

"Im done" sagot ko at hinubad yung necklace (dogtag) na binigay nya sakin noon at hinagis ko sa kanya bago ko maglakad palayo.

Mga nakaka limang hakbang pa lang ako ng niyakap nya ko ng patalikod at pinipigilan akong umalis.

"Wag kang umalis Ces. Please. Pagusapan natin to. Wag mo kong iwan" naiiyak na sabi nya at lumuhod din sakin na nagmamakaawa.

"Tumayo ka Ford. Wag mo kong luhuran" sagot ko. Magpe-perform pa sya mamaya. Pero ganito na umiiyak sya at nagmamakaawa sakin. Nakakaguilty din naman yun para sakin.

Naabutan kami ng isang crew na naguusap at nagiiyakan. Pero syempre, hindi namin pinahalata na nagaaway kami.

"Standby na. In few minutes mags-start na yung show. Punta ka na dun sa may stage for final rehearsals" sabi nung isang crew.

Nagpunas ako ng luha ko para kunwari walang nangyare. Okay lang ang lahat.

"Sige po" sagot ni Ford in his normal tone. Kahit halata pa na kagagaling nya lang din sa pagiyak. Naka "okay" sign pa sya nung paalis na yung crew.

"Sige na. Galingan mo" sabi ko at naglakad na ko palayo

"Ces. Please forgive me" sabi nya. Napatigil ako sa paglalakad.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon