Chapter 21 | Graduation Ball part 1

252 6 1
                                    

•_•_•

Habang naghihintay kami ng 8pm para sa start ng Graduation ball na gaganapin din sa Marriot Hotel. Kasama ko sila papa at yung dalawang kapatid ko habang hinihintay sila Chester dahil sila yung naginsist na bumili ng take out na Pizza para may kainin kami.

"Ces, hindi ba pupunta dito yung Ford? Kanina ko pa hinahanap ee"

Napatingin lang ako kay papa nung tinanong nya yun. Medyo nagulat kasi ko na hinahanap nya din si Ford. For what reason?

"Eh diba, bestfriend mo yun? Eh bat yung dalawang makulit lang yung nandito? Sayang naman. Gusto ko pa namang makilala yung mga kaibigan mo dito sa Manila" dagdag nya kaya natahimik ako.

Sasabihin ko ba na imposible ng magkaayos pa kami ni Ford? Ang alam kasi ni papa, naayos na namin yung kung ano mang hindi namin pagkakaunawaan.

"Oo nga Ces, wala pa ba kaming mauupakan?" Para namang tangang sabi ni kuya Neil at nagiinat na ng kamao tong si Steven at parang naghahanap ng away.

"Etong si Steven ee. Masyadong basag-ulo" sabi ko sabay slight batok kay bunsong kapatid. Kahit kailan talaga lagi nyang pinapainit ulo ko.

"Hindi naman po kasi sya pupunta. Busy po sya ee" sagot ko na lang. Saka i know valid din naman sya kasi busy naman talaga si Ford.

Dumating na sila Chester at pinagsaluhan namin yung Barkada pizza na tinake-out nila sa isang Pizza parlor sa may hindi kalayuan. Masaya kaming kumakain at nagtatawanan dahil na din sa mga jokes at banat ni Chester at ang pagbabarahan nila ni Angge.

Nung magsisimula na yung graduation ball. Umuwe na din sila papa at sinamahan naman nila Chester para hindi sila maligaw pauwe. Medyo pasikot-sikot kasi yung daan papunta sa apartment ko kaya pinasamahan ko na kay bakla na abot langit naman ang pasasalamat sakin.

"Omaygad, thank you bakla. Tatanawin ko tong isang malaking utang na loob, semi-loob at labas" bulong nya sakin. Lantod talaga.

Yung kantang Treasure ni Bruno Mars ang bumungad sakin sa pagpasok ko sa ballroom ng Marriot Hotel. Okay na, nagpapapasok na ng mga bisita.

Sa may table malapit sa gilid na gilid talaga ko pumwesto dahil nandun din naman yung mga kaklase ko at ayokong makipagsocialize masyado. I have to admit, naou-out of place ako. Supposedly, dapat kapag pumunta ka sa venue, may date ka dapat or what. Kahit outsider, basta kasama mo okay lang. If ever, si Ford nga sana ang isasama ko sa ball. Pero hindi naman na pwede ngayon.

May mga kasama kong mga single lang din kaya nagsama-sama nalang kami sa isang table kesa mainggit sa mga may kadate na sabay habang masayang kumakain.

Habang nagkakainan. Naguusap-usap na yung mga katabi ko kung sino yung mga isasayaw nila. May naguusap na kung kanino sila gustong isayaw at kung sino ang lalakad para maisayaw sila. Ibang klase. Desperate situation, needs a desperate solution talaga.

Nagkaron din ng parang program muna bago yung sweet dance and party-party. Usually mga messages lang and random confessions lang and such para magreminiscenes ng mga random trips and experience during our college days.

Natatawa na nga lang ako sa mga random confessions na nangodigo at nandaya sila sa finals exam ng isa sa most terror prof ng University na si Mam. Mendoza. Yung ginantihan daw nila yung prof nila at tinakot sa banyo. Yung lahat ng kalokohan nila. Graduate na din kasi kaya ito na yung chance para sabihin at magiwan sila ng masasayang alaala nila habang nagaaral. I have to say, college day is one of the most stressful years of my life. Pero at the end, wow. I have to taste the bitter-sweet fruit of my labor.

Nung nagsimula na yung party-party. Nagkaayaan lang kami ng mga classmates ko kaya napasayaw na din ako kahit papano kesa naman na masabihan ng KJ. Minsan nga lang naman to, at hindi na to mauulit.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon