Chapter 58 | Dilemma

138 4 0
                                    

"You jump, I jump right?" - Rose Dawson (Titanic)

•_•_•

"Ces, walang iwanan aa? Wag mo kong bibitawan. Dito ka lang lagi sa tabi ko" I remember the night nung magkausap kami ni Ford habang naglalambing sya sakin at nakacuddle kami sa sofa habang nanunuod ng isang movie.

"Opo Attorney" sagot ko. Nakapatong lang yung ulo nya sa balikat ko at habang magkahawak kami ng kamay na naka cross fingers talaga. Yung parang may parusa kapag bumitaw ka que sa pasmado ka or what.

Parang biglang nagpuff out yung imaginary bubble at bigla na naman akong naiyak. I lied. Hindi ko din naman kasi napatunayan, at mapapatunayan yun kay Ford.

"Omaygad Bakla! Ano nangyare!?" Tanong ni Angge nung nakapasok na sila sa apartment ko. Sinabi ko kasi sa kanila na puntahan nila ko dito just in case na iba nga yung mangyare, which is obviously right now.

"Galit sakin si Ford" hinanaing ko sa kanila at nakayakap na umiiyak.

"Girl, sabi ko naman kasi sayo ee. Sabihin mo na ng mas maaga" sagot ni Chester while patting my back.

"Ginawa ko naman ee. Sinabi ko naman din agad. Eh kaso kanina nakita nya mismo yung passport ko" sagot ko

"Wag ka na umiyak baks, dito naman kami ee" sabi ni Angge.

"Impakta. Hindi naman yan water bender para pigilan ang luha nya. Go lang bakla, iiyak mo lang yan. Ilabas mo lang" sabi ni Chester kaya umiyak talaga ko ng bongga.

"Pagkatapos mong umiyak. Punas luha. Tapos isipin mo kung paano kayo magkakausap ulet ni Ford" dagdag nya.

"Bakla, ayaw nya nga akong kausapin ee" sagot ko.

"Girl, let him cool off muna kasi. Syempre nabigla yun. Eventually, maiintindihan nya din yun" sabi nya to made me feel better.

"Oo nga bakla. Maiintindihan ka din naman siguro ni Ford" sabi naman ni Angge.

"Sana nga. Eh paano kung hindi?" Tanong ko at naiiyak na naman ako.

"Edi hindi. Go, umaura ka pa Singapore" sagot naman ng Chester.

"Bakla. Akala ko ba sinusuportahan mo tong si Ces kay Ford? Eh bat ngayon parang sinasabi mo na hayaan na lang at maglet go na lang to?" Tanong ni Angge

"Eh sa wala na tayong magagawa diba, wag pilitin ang ayaw. Syempre, dapat intindihin nya din tong impaktang to" sagot naman ni Chester

"Maiintindihan nya din yun. Tiwala lang bakla" sagot naman ng ayaw magpatalo na Angge

"O sige, ganito na lang aa. Kausapin mo si Ford bukas. Gawan mo ng paraan. For the last time. Kapag hindi sya pumayag, o hindi sya nakinig sayo. Then go, leave. Let him find his own answer. Basta ikaw, alam mo sa sarili mo na naipaliwanag mo sa kanya yung side mo" sagot naman ni Chester

•_•_•

Kaya kinabukasan, right after ng trabaho ko. Nagmadali akong pumunta sa ABS para puntahan si Ford. Mabuti na lang din at tinulungan ako ni Tristan at Niel na makapasok para makita si Ford at makausap.

"Maiintindihan ka din nya Ces" sabi ni Tristan. Mukhang alam nya na din yung nangyare.

"Alam ko naman kasi na may isa kang mabigat na rason kung bakit kailangan mong umalis. Hindi ka naman siguro aalis ng ganun-ganun na lang diba?"

Parang pinapalakas nya yung loob ko habang nasa elevator kami papunta sa music room kung saan nagre-rehearse sila Ford at yung ilang boys.

"Hey Ces" bati ni Russell

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon