•_•_•
Naunahan ko ng mga 45 mins yung alarm ko sa mismong oras ng pag-gising ko. Siguro dahil na din first day of school at medyo may excitement ako kaya maaga kong nagising as expected.
Pagkakuha ko ng phone ko. Bungad agad yung text sakin ni Ford kaya may ngiti agad sa mukha ko nung binuksan at binasa ko ang nasabing message nya.
Goodmorning! First day of work, Ba! Goodluck! Make me proud. I know you will be a good teacher to your students. I love you.
Umagang-umaga pa lang maypa-goodvibes na. Sana tuloy-tuloy na to hanggang matapos yung araw.
Medyo inspired na agad si Mayora para magturo. Nagluto ako ng agahan ko, naglinis sandali ng apartment para pagalis ko mamaya eh malinis na kahit papano. Naligo na din ako at nagbihis. May konting kilig pa nga bago sinuot yung uniform ko na pang teacher sa school na papasukan ko. Grabe, eto na talaga yun. This is it.
Sumakay ako sa jeep papasok sa eskwelahan. Nakakatuwa lang na may bumati pa sakin ng "Good morning Mam" na parang medyo na-aw-awkwardan pa ko, to be honest. Iba pala talaga yung feeling.
Dumerecho na ko sa faculty room at saka nilagay yung gamit ko sa table. Bumati sa mga co-teachers ko at saka niready yung mga kakailanganin ko.
Deep breath. Kaya ko to.
Tinignan ko muna yung mukha ni Ford sa phone ko saka ko nilagay sa bulsa ng uniform ko at naglakad papunta sa designated room ko.
Advisory ko is mga Grade7 students. Medyo makukulit at maiingay kaya medyo kinakabahan ako sa mga attitudes and behavior nila.
Biglang nagflashback sakin yung mga time na nagfi-field study at practice teaching pa lang ako. Ganitong-ganito din yung kaba at nerbyos ko pero eventually nadadala ko na din naman ang sarili ko. But this time, alam ko. Kaya, at kakayanin ko. Maliit na bagay lang naman to kung tutuusin.
"Good morning Grade 7- St. Peter" masiglang bati ko.
"Good morning, Mam!"
Wow. Mukhang mababait naman sila.
"By the way, Im your adviser. Ms. Cecille Joy Dominguez. You can call me, Mam. Ces" pakilala ko.
"Now, I want you to introduce yourselves, one by one, okay. Lets start in the right side" sabi ko to start the getting to know each other part.
Syempre yung mga bata medyo nahihiya pa sakin, or nagkakahiyaan pa sila sa new environment nila kaya alam ko na medyo hirap din sila mag-adjust.
"Okay, Good morning class. Im Cecille Joy Dominguez. 23 years old, from Project 2 Quezon City. You can call me, Ces. And nice to meet you all" pag-eexample ko.
After nun, kanya-kanya ng pakilala yung mga bata. Nakilala ko na agad yung pinaka mahiyain, yung mukhang matalino. Meron din namang parang si Chester kaya natatawa na lang ako sa introduction nya.
"Hello po, my name is Jericho N. Cruz, Jericho sa umaga, Jerica sa gabi. from the land of lumandi, kumire at humarot, Karuhatan, Valenzuela!" Intro nya na kunwari pang Ms. Universe at nagtatawanan yung buong klase.
"And nagiiwan ng kasabihang, mahalin mo dahil mahal mo talaga ko, hindi dahil mahal ang binibili ko sayo. Thats all, thank you!"
Dagdag nya kaya halos sumakit ang panga ko kakatawa. Hindi na din ako makahinga kasi sobrang laughtrip talaga. Bigla ko tuloy namiss ang baklang si Chester.
"Hello po, Im Kristoffer Velasquez. Ah, taga Tawiran Obando po. Ugh. Nagiiwan ng kasabihang, kung bibigyan ka ng pagkakataong makakita ng gwapo, san mo ko gustong makita?"
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...