•_•_•
Medyo awkward na nandito si Ford sa apartment ko ng dis oras ng gabi, saka sabi kasi nya may celebration daw sa bahay nila, eh bakit kaya nandito sya? Ang special ko naman kung pinuntahan nya pa talaga ko dito para ipagdala ko ng pagkain.
Kaya minsan, delikado ang umasa ee. Nakamamatay.
"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Tanong ko. Hindi ako tumingin sa kanya at kunwari busy ko sa pagsusulat para hindi naman nya isipin na pina-paalis ko na sya, agad.
"Nagpaalam naman ako. Alam naman nila na pupunta ko dito, ikaw kasi ee. Hinahanap ka kaya ni Mama" sagot nya.
Honestly, hindi ko alam kung bakit pero sobrang attached talaga ko sa Mama ni Ford. Ewan ko, ever since kasi nung High school pa kami, kapag may kalokohang ginagawa si Ford, sakin agad sya unang lumalapit or nagtatanong kung ano ginawa nya, sino kasama nya or something. Kapag hindi pa sya umuuwe, lahat. Until now, kahit na may mga tampuhan kami ni Ford minsan, sya yung gumagawa ng way para magkaayos kami. I mean, lagi nya kasing pinagsasabihan si Ford about sakin.
I remember one time, birthday ni Ford yun at may celebration din sa kanila. Hindi kasi ko yung tipo ng bisita na pupunta sa bahay at makikikain lang. As much as possible, kung kaya ko. Tutulong at tutulong ako sa pagaasikaso, paglilinis at pagre-ready ng mga foods.
Habang nagliligpit ako ng mga hugasin, naalala ko na nilapitan ako ng Mama ni Ford at tinanong kung kami na daw ni Ford. Like seriously, hindi ko alam kung bakit. Nagulat na lang ako at tinanong nya yun.
"Tita, bestfriends lang naman po kami ni Ford. Hindi naman nya po ako nililigawan" sagot ko.
"Talaga ba, sayang naman. Boto pa naman ako para sayo"
Tandang-tanda ko pa na yun yung sinabi ni Tita. Siguro yun yung isa sa mga dahilan kung bakit umasa, at umaasa ko na magugustuhan ako ni Ford. Kaso hindi ee, napaka labo sa katotohanan. Kahit ata magpa misa ko linggo-linggo, buwan-buwan o taon-taon. Imposible na magkagusto sakin si Ford.
"Wow, ang sweet aa? Thank you kamo kay Tita. Nakakahiya tuloy"
Sabi ko na lang, pero to be honest, ang hindi ko pagsipot sa bahay nila Ford is intentional. Hindi naman sa pa VIP ako or nagpapabebe ko. Pero Im just saving myself from heartaches. Alam ko kasi na invited din yung mga katrabaho nya sa Company nila, at syempre. yung nalilink sa kanya na nililigawan daw nya.
"Eh ano ba, kamusta ba naging celebration? Siguro ang saya saya mo dun, dumating ba yung nililigawan mo?" Tanong ko. Alam kong parang ang lame nito, pero wala na. Naitanong ko na.
"Oo, masaya naman. Pero hindi naman pumunta si Cleo ee" sagot nya at nakafocus lang sa phone nya habang naglalaro ng Mobile Legends. Tsk, nakiki-wifi lang to ee.
"Hahaha, mabuti naman." sabi ng evil inner self ko.
"Edi ang lungkot mo nyan?" Tanong ko
"Hindi naman, mas malungkot kasi wala ka" sagot nya.
Jusko naman Ford, tama na nga yang mga ganyang sagutan. Nakakasawa ng umasa sa mga pa-fall mong salita ee.
"Chura mo, nambobola ka pa ee" sagot ko na lang. Natatawa ko na naiinis na kinikilig na ewan. What the hell is this emotion? Masyadong multi-tasking.
"Seryoso. Wala ka, ikaw nga lang hinihintay ko ee. Ikaw naman kasi dahilan kung bakit nag-audition ako ee, ikaw yung sumama sakin sa audition, ikaw nagcheer sakin. Oh? Syempre utang ko lahat to sayo no?"
Natahimik ako sa sinabi nya. Parang may part sakin na biglang nag ressurect yung feelings ko sa kanya. Yung tipong parang, "Uy Ces, mukhang may pag-asa ka na"
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...