Chapter 26 | Ford is Sick

233 3 0
                                    

•_•_•

Supposedly may lakad kami ni Ford ngayon. Magaasikaso kami ng requirements ko sa trabaho and at the same time, para makapag-gala at makapag bonding na din. Kaya nung nabasa ko yung post nya na yun kagabe. Umaga pa lang, maaga na kong nagayos para pumunta sa kanila.

Natataranta pa ko habang niluluto yung Lomi na kinuha ko pa ang recipe sa Youtube. Nakalagay yung iPod ko sa may tabi ng kalan habang pinapanuod ko yung procedure ng pagluluto. Alam ko kasi na hindi mahilig sa lugaw si Ford, at alam kong sawa na sya sa Champorado kaya Lomi ang naisip kong lutuin para mainitan ang sikmura nya at may maalmusal sya.

Pupunta dapat ako sa kanila kahapon pero unfortunately, may interview ako kaya hindi ako nakapunta sa bahay nila. Kaya kailangan kong bumawe sa kanya.

Magkausap kami kinagabihan at sabi nya, masama pa din pakiramdam nya. Nabinat nga ata siguro si Ford. Ang alam ko kasi may sinat ata sya nung sinamahan nya ko last time ee. Nakonsensya tuloy ako kung bakit binuhat nya ko, at talagang nagpabuhat pa ko.

6am pa lang bumiyahe na ko papunta sa kanila. Kagigising nga lang ata ni Tita nun nung nakarating ako sa bahay nila Ford.

"Ay Ces, ikaw pala. Ang aga-aga mo naman. Eh tulog pa si Ford ee" bungad sakin ni Tita.

"Ah, opo. Eh gusto ko lang po syang dalawin. Dapat po kahapon ako pupunta, eh kaso busy po ako" sagot ko nung papasok na ko sa sala

"Ay, eto nga po pala. Nagluto po ako ng Lomi. Para po mainitan po sikmura ni Ford at para din po may ma-almusal sya bago uminom ng gamot"

Tinignan ako ni Tita na parang sinasabi nya na Ikaw talaga, nagaabala ka pa or what. Basta nakangiti sya sakin habang kinukuha yung tupperware.

"Ang sweet mo naman talaga Ces, sabi ko na nga ba. Walang duda, kaya ikaw ang gusto ko para sa anak ko ee" sabi ni Tita na medyo naconscious naman ako.

Lagi nya nga naman akong inaasar kay Ford noon, tapos ngayon. Eto na, boyfriend ko na nga si Ford. Gaano nga naman kahaba ang prusisyon, sa pagiging part of the Valencia family din pala ang tuloy.

"Kamusta na nga po pala si Ford? Umo-okay na po ba lagay nya?" Tanong ko

"Ay, hindi ko lang alam. Eh yan naman kasing si Ferdinand. Puro kaya ko sarile ko-kaya ko sarile ko lagi ang sinasabi kapag pinupuntahan ko. Ayaw magpaalaga eh malaki na daw sya" sagot naman ni Tita. Ayaw pang magpa mama's boy ng kuya nyo.

"Pero mukhang magiging okay na yun, nandyan ka na ee"

May pangaasar na sabi ni Tita at nakakaloka yung ngiti nya sakin. Siguro kaya kami madaling nagpalagayan ng loob ni Tita kasi sobrang cool nya lang kasama. Yung parang kasing edaran lang namin sya ni Ford at sobrang bait talaga.

"Maaaa!" Mula sa kwarto. Narinig na namin yung tawag ng bata. Gising na si Ford

"Oh, bakit?" Sagot naman ni Tita at papunta sa kwarto ni Ford. Sakto naman na lumabas na si luko na nagkakamot pa ng mata at ulo.

"Ano almusal?" Groge na sabi nya at humihikab pa.

Nung pagkakamot nya ng mata nya at nakita nya ko. Nakita ko na nanlaki yung mata nya at nabuhay agad ang katawang lupa nya.

"Nandito nga pala si Ces" sabi ni Tita

"Fo--" tatawagin ko pa sana kaso bigla syang nahiya at tumakbo sa kwarto nya na nakahawak pa sa gitna nya na parang nakita ko ang espada ni Panday.

Naka boxer short at sando lang kasi si Ford nung lumabas sya, pero nung nakita nya ako. Ayun, nahiya. Jusko, makikita at makikita ko din naman yun. Charot

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon