Chapter 48 | Viral

180 3 3
                                    


•_•_•

"Hoy. Bakla, akala ko ba pumasok ka? Oh, nakauniform ka pa. Eh bat nandito ka pa?" Bungad sakin ni Chester pagdating nya sa apartment ko.

Kahit alam kong busy sya sa sideline nyang trabaho eh nagawa pa din nya kong puntahan. Thats what friends are for, right?

"Oh, bakit umiiyak ka na naman? Nanakawan ka na naman ba?" Tanong nya nung napahagulgol na naman ako ng iyak. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din matanggap yung nangyare kanina.

Kinwento ko naman sa kanya yung naging confrontation nila Ford at Tony sa apartment ko na kinagulat naman nya.

"Eh, bakla. Ikaw naman kasi, ano ba ginagawa ni Tony dito sa apartment mo? Alam mo naman na, basta. Aware ka naman siguro na nanliligaw pa din sya sayo, diba?" Panenermon nya. Tama na naman sya ee. Bakit ba kasi in-entertain ko pa si Tony.

"Baks, hindi ba parang kabastusan naman yun na hindi ko sya i-entertain? Hello, sya na nga tong concern din sakin oh" sagot ko sa side ko.

"Naiintindihan naman kita teh. If I were on the same shoes, ganun" sabi nya at may paturo effect sakin. Nage-english daw kasi sya, minsan lang daw yun at napulot nya lang daw somewhere.

"Ganun din naman ang gagawin ko. Pero girl, tandaan mo. May unfinished business pa kayo ni Ford. Wait, parang mali yung term. Pero yun nga, hindi pa kayo ganung ka definite na naghihiwalay ni Ford. Aminin mo, may feelings ka pa din sa kanya kahit sabihin mo na hiniwalayan mo na sya. At alam ko, ganun din si Ford" Paliwanag nya sakin. He has a point.

"Pero, girl. Ano kasi. Basta, nakokonsensya din ako or nagu-guilty din ako para kay Tony. Honestly. Para kasing ang unfair ko" sagot ko na lang.

"Baka, never naging unfair ang love. Duh, kasalanan mo pa ba kung hindi sya ang pinili mo? Ano to first come, first serve basis? Hoy. Walang reservations sa love. Ano, paghihintayin mo sya kung kailan pwede na kahit hindi pa kayo tapos sa isa? Wag ganun te. Tao ka, hindi ka customer service na pipilahan" may patalinghagang sabi nya. Kahit kailan talaga, basta deep at seryoso yung topic nagiging love guru or adviser tong si bakla ee. Kaya mahal na mahal ko yan. *sarcasm*

"Pero aaminin ko, medyo galit ako kay Ford ngayon" sagot ko na lang.

"Gaga. Ano naman ang karapatan mong magalit kay Ford, aber?" Tanong nya.

"Kasi gumawa sya ng gulo sa apartment ko" sagot ko. Pero honestly, ano nga ba?

"Eh kahit naman ako ee. Kung lalaki lang din ako at nakita kita na ginagapang na ng iba eh makakasapak din ako" sagot nya. Wow. Paano ka ba naging bakla Chester? Iniimagine ko nga minsan kung what if lalaki to ee. Siguro gwapo din to.

"Grabe ka naman. Hindi mo naman kasi alam yung sitwasyon" kyemeng sagot ko

"Eh bakit ikaw ba, alam mo din ba yung sitwasyon? Hoy babae. Tandaan mo. Mahal na mahal ka ng Ford mo. Kahit sabihin mo na nilayuan nyo na ang isat isa. Kung mahal nyo pa din ang isat isa eh hindi ganun kadaling makita ka na may kasama ka na agad na iba. Wag ka ngang tanga"

Talagang meany to kung mag-bigay ng advice at kung manermon. Akala mo na nga minsan nanay mo ee. Ibang klase talaga.

"Ikaw ba, kung sakali. Makikita mo si Ford. May nilalanding babae dyan sa harap mo. Ano magiging reaksyon mo?" Situational na tanong nya.

"Magiging masaya ko. He deserves to be happy" sagot ko.

"Plastic mo gag*. Wag nga ako! Tantanan mo ko sa pashowbiz mong sagot Cecilia aa!"

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon