"And Ill always love you, and if you ever changed your mind, I will, I still, I will love you "- I Will Always Love You (Nina)
FORD
Sobrang saya ko na nagkabalikan na kami ni Ces. Of course, I do thanks for the boys na kasama ko lagi sa walang sawang pag-comfort at pagbibigay ng advices sakin sa mga panahong sobrang lungkot ko nung naghiwalay kami. Eto na, okay na ulit ako. Nagpapatuloy na ulet at mas malakas na ulit ang loob na manalo.
"Ibang-iba ang ngiti natin ngayon aa" sabi ni Joao after ng live shows namin.
Sino ba naman ang hindi mangi-ngiti ng ganito at sobrang tuwa? Unexpectedly kasi, nandito si Ces at pinanuod ako ng live. Iba yung feeling. Nasurprise talaga ko kasi nung magkausap kami bago ko sumalang sa stage, sabi nya busy sya at gumagawa ng mga written reports sa school.
"Nandito si Ces ee" sagot ko
"Seriously!? Woah" gulat nila Tristan at Niel
"Oo, and magdi-dinner kami with my Fans. So paano, gonna go" paalam ko sa kanila.
"Bro, paano na ko?" Pagdra-drama ni Joao na parang umiiyak na bata at hinarang ako sa pinto. I give him a cringe look. Ano na namang pakulo to?
"Nung mga panahong malungkot ka, ako yung nandyan. Sa tuwing umiiyak ka, sa tuwing nagdra-drama ka never kitang iniwan" sabi nya at kunwari nasa isang sumbatan scene sa teleserye.
"Tapos ano, ah? Ano. Iiwan mo na ko dahil masaya ka na sa iba? Ford! Bakit? Pangit ba ko? Kapalit-palit ba ko!?"
Ayun. Nakatikim tuloy ng isang slight na suntok sa tyan nya.
"Mukha kang abnormal. Tumabi ka nga dyan. Nagmamadali ako" sabi ko pero hinaharang ako sa pinto. Pati si Niel na bwisit.
"Paano na yung loveteam nyo? Ganun-ganun na lang yun?" Tanong nya. Wait. Loveteam my ass.
"Paano na ang FoJo bro?" Tanong ni Russell at nagtatawanan na sila.
"Hindi kayo nakakatuwa. Tabi nga" medyo napipikon na ko.
"Hoy! Hoy! Hoy! Paalisin nyo na nga yan! Baka malate pa ee. May lakad yan. Sige na bro! Ingat!" Saway ni Tristan sa mga impakto kaya nakadaan ako.
"Bye guys!" Paalam ko at may saludo at kindat sa kanila bago tumakbo papunta sa parking lot.
Thanks sa dating company na pinapasukan ko kaya meron na kong sariling kotse na ginagamit. Actually, sponsor lang nila to sakin kaya nakakatuwa lang. Hindi pa din nila ko nakakalimutan despite na nagresign na ko.
Sa may dati daw naming kinainan ulet yung meeting place namin. Kaya alam ko na din kahit papano at malapit lang din kaya nakapunta din ako agad. Nagtext na ko kay Ces na nasa baba na ko at nagre-retouch lang ng konti. Parang ang haggard ko kasing tignan at hindi ako sanay sa make-up na nilalagay samin during shows.
Mainit akong sinalubong ng mga FORDsters ko. Grabe. Parang every time padami sila ng padami. Nakakatuwa lang, marami na nga talagang nagmamahal sakin. Im so blessed with these loving people.
"Heeeey!" Masiglang bati ko pagpasok ko ng restaurant.
"AHHHHH!" Tilian yung salubong sakin ng mga girls at may mga boys na din sa gilid.
"Thanks Ford nakadating ka" sabi ni Rodmar, yung head admin ko at naka-akbay sakin
"Kayo pa ba?" Sagot ko at naka akbay din sa kanya papasok
"Ford. Tabi na kayo ni Mam. Ces" sabi ni Bernadette at sya ata yung punong abala dahil sya yung may hawak ng microphone at parang nage-emcee
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
Fiksi PenggemarFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...