Kinabukasan.
Maaga talaga kaming pumasok ng mga gaga kong kaibigan. Actually, hindi naman talaga required. Ewan ko ba dito kay Angge at Chester. Gusto daw kasi nilang kilatisin yung sinasabi nilang transferee daw kahapon.
Ngayon yung unang araw nya sa school namin, and malas nga lang nya kasi kami yung maka-kaklase nya. Sabi kasi nung adviser namin na si Mam. Erlinda na tinaguriang "Mam. Masu-nget" eh kami daw ang worst section na nahawakan nya. Oh diba? Title holder na agad kami.
"Bakla, bat ba kasi kailangan mo pa kong idamay sa pagkilatis dyan sa bagong transferee na yan ee. Malamang chaka yun" sabi ko na lang na medyo badtrip. Pag ganitong maaga kong nagising at inaantok pa ko, nananapak talaga ko.
"Impakta! Gwapo ee. May itsura kaya, paano late ka kasi kahapon. Gusto ko lang kilatisin ulit kung papasa ba sa standards ko" sagot naman ng malanding kabayong naganyong tao.
"Standards, wow? Ganda mo din ee" pang-aasar ni Angge kaya kami tuloy ang magkakampi.
"Oh eto oh, pak" sabi nya at may inabot na papel na may nakasulat na criteria. Walangya tong baklitang to. May pa-ganung epek pa. May rubrics pa.
30%Body Build
25% Eyes
15% Charms
25% Sex appeal
5% Audience Impact"Malandi kang bakla ka! Ano tong sex appeal? Saka bat may audience impact pang churva? Ano, pageant lang?" Natatawang tanong ng Angge at binasa ko nga yung nakalagay sa papel at sinampal kay Chester. Akala ko joke lang, seryoso nga nak ng tinapa.
"Paano mo naman iju-judge ang sex appeal baks?" Tanong ko.
"Ano, basta. Ako lang makakasagot nun" sagot nya.
"Dali na, dami pang hanash ee. Sex appeal, paano?" Pamimilit namin ni Angge.
"Basta mga teh. Kapag tinigasan ako" sagot nya. Si Angge na gets na, ako kasi medyo slow-slow pa.
"Teh. Kapag tumayo na ang espada ni panday at handa na bang makipaglabanan?" Sabi ni Angge. Mas lalo tuloy hindi ko nagets. Napansin ng gaga na patay malisya lang ako kaya sinabi na sakin. Straight to the point, walang filter. Garapal kung garapal.
"Kapag tumayo na ang jun-jun ko. Yun na yun, pasado na" sabi ni Chester.
Nabigyan ko tuloy ng isang sampal sa kaliwa at sabunot. Walangyang bakla to. Taglibog ampota.
"Aray!" Daing nya.
"Malandi. Makire. Malantod" sabi ko sa mga words na sumasalamin sa kanya.
Natigil lang yung paguusap namin nung biglang pumasok na si Mam. Erlinda at nag-back to normal na kami. Kunwari banal, kunwari mabait. Wala ee. Asawa ng terorista ang magaling naming guro ngayon.
"Goodmorning class" bati ni Mam. Masu
Masu- short for masunget. Syempre codename namin yun. Para kami lang nakakaalam nun. Yung tipong pwede naming sabihin sa kanya na.
"Hoy. Andyan na si Masu" syempre hindi naman nya kami papansinin kasi clueless sya kung sino yun. O kaya, " Sana madapa si Masu" ganun. Sinasabi namin yun minsan ng harap-harapan pero waepek sa kanya. Ganun.
"Goodmorning Mam" bati namin.
"Masu" narinig kong may nagsabi nun sa background.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?