Chapter 17 | Wedding Tayo, Wedding Hindi

121 7 1
                                    

Sa hinaba-haba ng pagtakbo namin ni Ford. Nagtago ulet kami sa CR kung saan din kami nagtago noon nung gumawa kami ng kasalanan sa Principal namin. Sa pagaakalang safe yun at wala talagang masyadong pumupunta dun. Dun kami pumunta para na din makapagpahinga at maghabol ng hininga sa sobrang hingal.

"Mapapatay ko nagpa-uso nito" sabi ko nung nakapagtago na kami at nakaupo na sa may gilid

May narinig kaming mga yapak at yung ingay ng mga humuhuli samin kaya napatago kami ni Ford sa isang cubicle.

Wala akong masyadong pakialam kung nakayakap ako kay Ford habang nakatutong kami sa ibabaw ng toilet bowl dahil baka makita nila yung mga paa namin in case na sumilip sila sa baba.

"Makayakap ka naman"pang-aasar nya. Bulong lang yun pero hindi ko na lang pinapansin.

"Wag kang maingay"bulong ko. Oo, awkward na nakayakap talaga ko sa kanya. Pero baka kasi ma-out of balance ako thats why.

"Chancing talaga ee" pang-aasar nya. Ayan na naman sya sa chancing part nya. Kakainis. Bumaba ako saka ko binuksan yung pinto regardless kung nandun pa at nagmamasid yung mga humahabol samin.

Nagawa kong itulak yung isang CAT officer kaya hindi nya ko nahuli at agad-agad nakatakas.

Takbo. Takbo. Takbo

Ako na lang magisa ang tumatakbo palayo at iniwan ko na si Ford. Mabwisit nya pa ko ee. Lumilingon ako pabalik sa pagaakalang baka may humahabol pa sakin kaya masyado kong nadistract at may nakaharang pala na bato dun sa dinadaanan ko kaya ako nadapa.

"Arraaayyy" naiiyak na sabi ko kasi may sugat talaga yung tuhod ko.

Ang malas ko naman today. Eto ba yung karma ko sa pagtulak ko kay kuyang officer kanina?

Dumating yung mga CAT officers at tinulungan akong tumayo. Pinapalayo ko na nga sila kasi beastmode na din ako at sila din naman ang dahilan kung bakit ako nadapa. (Kahit na yung bato talaga may kasalanan) pero hindi naman ako tatakbo ng ganito kungdi nila ko hinahabol.

"Sus. Iyakin. Tara na nga" sabi ni Ford at binuhat ako. Yung parang pa bridal style like that.

"San mo ko dadalhin? Ibaba mo nga ako" sabi ko kasi ang awkward na buhat-buhat nya ko habang naglalakad papunta sa clinic or whatsoever.

Sa daan papunta sa clinic. Eh walangya namang mga kaklase ko at hinaharang kami

"Uy sakto! Eto na pala sila Ford at Ces ee! Tara, dalhin na natin sila sa Marriage Booth" sabi nung isa.

Walangyang mga to. Nakita ng may sugat ako, dadalhin pa ko sa kung ano mang kalokohang kemberlu na Marriage booth na yun.

Hindi sila pinapansin ni Ford at dere-derecho lang syang naglalakad. Good, mabuti na lang at hindi nya din papatulan ang mga kalokohan ng mga classmates ko.

Pero teka nga, san nga ba kami pupunta? Bakit hindi sa clinic ang dinadaanan namin?

"San ba dito?" Tanong nya at pumasok kami sa isang kwarto.

May mga naka-set up na altar, flowers, mga upuan na may mga abay whatsoever. Tapos may tumutugtog pa talaga na "here comes the bride" na background music.

"Dito ba?" Tanong naman ni Ford at tuwang tuwa naman yung mga classmates ko na nakasunod samin.

Mga walangya. Anong kalokohan ba to?

Pumunta na si Ford dun sa mismong harapan ng altar kung nasan yung isang mapagpanggap na pare at talagang full costume pa kasama ang dalawa nyang sakristan. Mga lapastangang mga bata to.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon