Chapter 39 | The Real Dennis

111 5 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako habang kausap ko yung unknown Dennis na yun. Sino ba sya? Gwapo kaya sya? Whatever. Ano tong nararamdaman kong sparks nung kausap ko sya? Jusko. Bakit naman ganito, self? Para kang nangangapa sa dilim.

"Ces" tawag sakin ni Ford exactly pagkababa ko ng tawag. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Pwede ba tayo magusap?" Tanong nya. I just rolled my eyes

"Tungkol saan, Ford?" Tanong ko din

"Basta, gusto kitang makausap" sagot nya.

"Naguusap na tayo, ano ba yun?" Sarcastic din na sagot ko.

"Bakit ba umiiwas ka sakin? Akala ko ba, okay na tayo?" Tanong nya. Huminga muna ko ng malalim saka ko sya prinangka.

"Ford, ayun na nga ee. Okay na tayo. Dahil dun, nasira ang pagkakaibigan namin nila Chester at Angge--" sagot ko

"Oh? Eh ano naman kinalaman ko dun?" Patay malisya nya.

"Basta, nagtatampo kasi sila sakin kasi ikaw na lagi yung lagi kong kasama" sagot ko

"Asus. Ang aarte aa" kyemeng sagot nya.

"For the mean time lang naman muna ee, basta yun. Pasensya ka na aa? Wag ka namang magalit din sakin oh?" Pakiusap ko na lang.

Tinaasan nya lang ako ng kilay. Bwisit na to

"Whatever. Sige na, nga pala. Sino yang kausap mo sa phone?" Tanong nya kaya nanlaki yung mata ko at parang bigla ata akong pinagpawisan.

"Ah, ano. Wala. Member lang din sa Schoolpaper. You know, ano. Usap-usap. Nagtanong lang sya about, ayun" sagot ko na hindi ko alam kung valid sa kanya.

"Eh bakit ka nakangiti?" Tanong nya. Patay. Mukhang magigisa pa ko ng wala sa oras

"Wala, ano. Nakakatawa lang kasi syang kausap ee. Parang sira" palusot ko.

"Ah, okay. Ano, recess na tayo?" Aya nya.

"Busy ko ee. Next time na lang, punta na ko sa Library ee. Magtra-training pa ko. Bye" sabi ko at nagma-makeface na kunwari napapagod like that.

Pumunta na nga ako sa library at nagte-text pa din si Dennis sakin. As usual, napu-putol yung pagtra-training ko for the journalism press con.

Nag-recess ka na?

Napangiti naman ako.

Kung sakali ba na magre-recess ako, makikita kita sa canteen? Hahahaha

Kyemeng sagot ko. Hindi ko pa nga nalo-lock yung phone ko, may reply na agad sya. Wow. Fast reply. Nakakatuwa

I guess. Pero hindi din naman ako makakalapit sayo ee.

I just rolled my eyes.

Edi hindi din ako magre-recess. Busy pa ko ee.

Reply ko at binaba na yung phone ko. May reply sya pero hindi ko na din agad binasa. Nagsulat muna ko ng konti para naman hindi masayang yung pagpunta ko dito sa library.

Nung kukunin ko na sana yung phone ko, sakto naman na may nagbaba ng pagkain sa may harap ko. May pagtataka muna kong tinignan kasi polo ng lalaki yung nasa harap ko at pagtingin ko sa taas, si Ford ang bumulaga sakin.

"Pinagdala na kita ng pagkain" sabi nya at saka umupo.

Nabitawan ko tuloy yung phone ko at kunwari busy ulet sa pagsusulat.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon