Chapter 7 | Bestfriend!?

132 6 1
                                    

"Ang sipag aa? Bakit ikaw gumagawa nyan?"

Out of nowhere, nagulat ako kasi biglang may nagsabi nun sa likod ko. And most surprisingly, si Nato my crush yun.

"Ay, hahaha. Hello. Ano, wala. Punishment ee" sagot ko na lang.

Jusko, bakit ang hot nya with his plain white t-shirt and jersey short? Mas nakadagdag pa sa appeal nya yung pawisan nyang mukha dahil katatapos lang ata ng training nila sa Basketball. Mygad Nato, hindi mo ba alam na marupok ako?

"Bakit? Ano ba ginawa mo?" Tanong nya.

"Ha, wala. Basta" sagot ko na lang. Syempre ayoko namang sabihin yung rason, baka mas lalo lang akong masira sa kanya. Sabihin nya na "ganyan ka pala" or whatsoever. Syempre may mina-maintain akong image sa kanya, ganun. Para hindi sya maturn-off sakin, wow. May ikaka-turn on nga ba self?

"Pawis ka na oh?" Sabi nya sabay bigay sakin nung towel na ginagamit nya.

"Naku, hindi na. May panyo naman ako" sagot ko. Kinakapa ko pa yung panyo ko kaso wala sa bulsa ng jogging pants ko. Baka nasa bag ko pa.

"Take it, okay lang. Paano, gonna go"

Sabi nya at binigay nya nga sakin yung towel nya. Mygod. Medyo amoy ko pa yung pawis nya dito pero still, ang bango pa din. Parang ayoko ng gamitin. Parang kahit pinagpapawisan ako habang naglilinis okay lang. Nakakaloka, inu-unahan na naman ng landi ang inner self ko.

Medyo nakatapos na ko sa building namin. I mean, yung isang buong corridor na exclusive lang for third year (like me) yung nalinis ko. Next ko namang lilinisin yung sa mga fourth year.

Mga senior year. Just like the typical scenes na napapanuod mo or whatsoever. Yung bully talaga sila or masyadong mataas ang tingin sa mga sarili nila, like that. Mga bwisit din tong mga to. Akala mo kung sinong mga gwapo.

"Ay, natapon"

Aba, isa't kalahating gag* pala to ee. Nakita ng winawalis ko nagkalat pa. Kungdi ba naman sya abnormal ee.

"Hoy! Ano problema mo!? Nakita mong naglilinis ako dito ee!" Sigaw ko at tinuturo sa kanila yung walis na hawak ko.

"Bakit ka naglilinis? Janitor ka ba?" Tanong nung isang lalaki. Eto ata yung leader nila

Hindi ako makasagot. Syempre, hindi ko naman masabi na naparusahan ako para maglinis, edi mas lalo lang nila kong pinagtawanan.

"Sabagay, mukha ka namang janitor ee. Hahahaha" pang-aasar nung isa

Tapos may isa silang kasama na nagbato ng basyo ng iniinom nyang softdrinks na nasa bote.

Pinulot ko yun saka ko nilagay dun sa basurahang malapit sakin. As much as possible, hindi ko na lang sila pinapansin. Jusko, badtrip na ko kay Ford. Wag naman sanang pati sa mga punyetang mga lalaking to.

Binabato nila ko ng kalat. Mga papel, basura. Bote, lahat. Plastic. Hindi ko lang sila pinapansin kahit na deep inside hiyang-hiya na ko. Gusto ko na ding umiyak nung mga time na yun and then out of nowhere, nagulat ako kasi biglang may sumigaw mula sa likod ko.

"HOY! Mga gag* kayo aa!? Bakit nyo inaaway bestfriend ko!?"

At mas lalo akong nagulat kasi si Ford yung nagsabi nun.

Teka, teka nga. Ano ulet sabi nya?

Bakit nyo inaaway bestfriend ko?

Ay teka lang talaga. Bestfriend? Ford? Bestfriend talaga? Big word talaga aa. How come? Hindi naman ako na-orient.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon