"Luko ka aa! Ano ginagawa mo sa kapatid ko!?" Galit na galit na sabi ni Kuya Neil kay Ford at kinwelyuhan ito at saka sinapak ito sa mukha kaya napahiga ito sa kama.
Shock was an understatement nung nakita ko si Ford na nagka-black eye dahil sa sapak ni Kuya. Napatigil ang oras. Parang hindi ko magalaw yung mga paa at kamay ko para awatin si Kuya.
Hinayaan ko lang na mag-wrestling sila sa kama. Galit na galit si Kuya. Para syang tino-torture ni Big Show like that........
"Uy! Andito ka na pala. Wassup!"
And then reality hits me. Parang mas kapani-paniwala pa yung imagination ko. Like seriously, kuya? Seryoso ba to?
"Oo, kuya. Hahaha. Ano, umukyat na lang ako dyan" sabi nya sabay turo dun sa may bintana. Napanganga na lang ako. Like, close ba sila?
"Akala ko umalis ka din agad ee. Sabi kasi samin ni Ces, wag daw muna syang istorbohin ee"
Oo, sige. Sinabi ko talaga yun. Pero kuya, kailangan mo pa ba talagang sabihin yun? Jusko. Hobby talaga nila na ilaglag ako ee no? Kaloka tong mga kapatid ko at sila Mama.
"Buti hindi ka nahulog, ang taas din nyan" concern pa na sabi ni Kuya. Jusko. Naloloka na ko.
"Nakakapit naman ako ng mabuti, kuya. Hahaha. Pasensya na nga pala sa abala" sagot naman ni Ford.
"Teka, teka, teka lang aa. Alam mo, kuya?" Tanong ko at nakatingin pa kay Ford at nakaturo sa kanya. Bwisit. Ano ba nangyayare, nananaginip ba ko?
"Eh yan kasi, pinuntahan ka. Eh diba sabi mo wag kang storbohin, eh ayun. Pinaalis na din ni Mama at sabi bukas na lang at matutulog ka na" panimula ni Kuya. Jusko. Naloloka ko. Eh bakit naman may pag-akyat bahay pang ganap?
"Eh mukhang importante ee. Sige, sabi ko akyatin mo na lang kung gusto mo. Ayun. Inakyat nga, masunurin ee"
Nakatingin ako kay Ford. Jusko. Sinabi naman pala na bumalik na lang kinabukasan, mapush pa din talaga. Ibang klase. Ganun attitude nito ee. Kung gusto nya, kukunin at gagawin nya talaga.
"Sige, iwan ko na kayo" sabi ni Kuya kaya hinarang ko sya bago sya lumabas.
"Alam ba ni Mama to?" Tanong ko. Kabado pa ko nyan.
"Syempre, hindi" sagot nya. Wtf. Lagot pala ko kung sakali.
"Wag kang magalala, hindi ko sasabihin. Quiet lang ako. Oh" sabi nya at kunwari sini-zipper yung bibig.
"Basta, wag lang kayong gagawa ng...alam mo na yun" mahinang sabi nya nung palabas na sya kaya nasuntok ko pa sya sa sikmura nya. Bwisit talaga tong si Kuya.
Nung nakalabas na sya. Nakatingin na lang ako kay Ford ng masama. Jusko. Ipapahamak nya pa talaga ko in case.
"Muntik na tayo dun" sabi ko at bumalik sa pagkakaupo sa kama ko.
"Dyan ka lang aa, kakain lang ako. Baka makahalata pa si Mama ee. Thank you dito" sabi ko at lumabas muna sandali para kumain. Syempre kailangan ko din ng appearance kay Mama in case. Baka sabihin nya nagkulong lang ako sa kwarto at iba pa isipin nun.
"Oh, Ces. Mabuti naman at--" magsasalita pa sana sya kaso natigilan sya sa nakita nyang hawak ko.
"San galing yan?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?