Intrams week namin ngayon.
Isang linggo na puro laro at pagsasaya sa mga booths lang ang gagawin namin. Isa din ito sa mga inaabangang events dito sa school kasi ito yung time kung saan nagso-socialize kami or what. Basta, per year level kasi yung mga nagcocompose ng mga teams na maglalaban laban for the championship.
Si Ford, sa basketball team ng year namin. Ako naman, sa mga board games kasali. Pero at least, participants kami sa Intramurals week. Bestfriends goal kunwari.
"Goodluck, Ba" mahinang cheer ko nung papunta na kami sa court for their first game againts sa mga fourth year. Ngumiti lang sya sakin at tumango. Its a response na din kahit papano, like hello. Hindi pa kami open sa madla na mag "bestfriend" na kami.
Jusko. Bakit naman titig na titig ako sa kanya as he wear his jersey uniform? Yung tipong parang ang sarap kagatin ng braso nya kasi, what the hell. Thats so gross Ces. Ano bang kalokohan ang pumapasok sa isip ko? Pero seryoso, ang lakas talaga ng dating ng mga lalaki kapag naka jersey at naglalaro ng basketball no?
"Alis na ko, magsisimula na din yung Scrabble ee" paalam ko.
"Hindi mo ba ko papanuorin?" Tanong nya. Ay bakit? Required?
"May laro na ko sa scrabble, next game na lang kapag may time ako" sagot ko.
"Sayang. Hindi mo makikita mga moves ko, saka wala akong lucky charm"
Wtf. Anong pakulo na naman to Ford? Minsan talaga hindi ko magets tong lalaking to ee. Bakla nga ata talaga. Lucky charm what? Naniniwala ba sya sa mga ganun, tsss.
"Lucky charm mo mukha mo. Tantanan mo nga ako Ford" sagot ko with my taas-kilay look.
"Pero sige, kapag maaga kami nakatapos at maabutan ko kayo edi manunuod ako kung makakaabot ako" pahabol ko. Naks. Pabebe talaga ang ate girl nyo. Manunuod din pala, andami pang hanash.
"Goodluck" sabi ko at tumingin muna ko sa paligid kung may nakakakita samin saka ko biglang yumakap sa kanya.
"Galingan mo, Bestfriend" cheer ko sa kanya at namula naman ang luko. Maganda na ba ko? Napamula ko pisngi ni Ford. Kinikilig ba sya? Nye whatever.
Dumerecho na ko sa room kung san gagawin yung scrabble match. Mga players from 1st. 2nd and 4th year yung mga kalaban ko. Though yung dalawa eh mga lower years pero syempre hindi ko pa din sila pwedeng i-underestimate. Like hello, kulang pa din ako sa mga vocabularies no.
Sa kalagitnaan ng game. Paubos na din yung mga tiles. I only have the letters S. O. F. D. N. R at halos parang wala na kong masingitan kasi occupied na lahat yung mga possible slot na pwedeng lagyan ng letters. Yung iba naman locked na or hindi ako makakabuo ng words sa mga open letters at sa tiles na hawak ko.
Talagang pinagtabi ko talaga yung F. O. R. D na nakuha ko. Nanadya ata ang pagkakataon ee. Nabuo ko talaga pangalan ni luko? I see that as a "lucky" pick though. Wow, lucky pick. Whatever
No choice na talaga ko. Para matapos na din yung game. Yung second year sumurrender na. Yung first year naman wala na talagang maisasagot kasi epic yung mga letters na nasa kanya. Kami na lang talaga ni kuyang fourth year ang parang tangang umaasa pa na may chance pa.
F. O. R. D
May isang word kasi dun na "Stuff" kaya yung isang "F" yung napagdikitahan ko para ipush ang huling baraha ko.
Ford: (noun) : a shallow part of a river, stream, etc., that may be crossed by walking or driving across it
Akala ko walang word na ganun pero pagtingin ni ateng facilitator at taga check ng words sa dictionary eh meron pala. Naks. Maswerte nga. Pangalan pa ni luko naging alas ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?