"Thank you po, Tito, Tita"paalam ni Ford at palabas na ng pinto namin.
"Walang anuman, iho. Sa susunod ulet" napalunok na lang ako sa sinabi ni Mama. So ano na, may balak pang sundan to? Ganun?
"Sige po. Hahaha. Paghahandaan ko po" sagot naman ng magaling naming bisita. Kung wala lang sa paligid sila Mama nabigyan ko na ng isang sapak to.
Wag nyang sabihing broken hearted sya or whatsoever. Hindi ko sya sasantuhin.
"Thank you, Ba. Nagenjoy ako" sabi ni Ford nung hinahatid ko sya sa may gate.
"Pwes ako, hindi nag-enjoy" may pagirap na sagot ko.
"Asus, pasalamat ka nga hindi kita nilaglag ee. Andami mo pa namang atraso sakin" sabi nya. Aba, trini-triggered ako nito.
"Sige na, mag-ingat ka" sabi ko na lang nung palabas na sya ng gate.
"Ikaw din, magingat ka. Baka kasi madapa ka pa dyan" pang-aasar nya. Sasapakin ko na nga sana ee. Yung naka-amba na kong susuntok habang nakatalikod sya pero malas nga lang bigla syang lumingon pabalik.
Mabuti na lang at mabilis din ang kamay ko kaya kunwari kumakaway ako na nakangiti sa kanya kahit na halata mo na napipilitan lang ako. Hindi bagay sakin, mukha akong pabebe. Nyeta
"Pabebe. Kagigil" Makikita talaga ng lalaking to hinahanap nya. Humanda sya sakin sa lunes.
•_•_•
Monday. First day of the week. Unang araw na naman ng pasok. Balik sa realidad. Isang panibagong nakakatamad na araw.
As usual, medyo late akong umalis ng bahay at laking gulat ko kasi pagbukas ko ng gate. Si Ford agad ang bumungad sakin at nakaupo sa motor nya habang naka-stand. Teka nga, bakit sa harap ng bahay namin sya ngayon naghihintay? Dati-rati naman sa may kanto malapit sa kanila aa? Ano ba gusto nyang palabasin?
"Goodmorning po, Tita. Hatid ko na po si Ces. Sabay na po kaming pumasok" sabi ni Ford at kausap si Mama na nasa may pinto. Napapakagat labi na lang ako. Ang awkward neto.
"Magiingat kayo aa!" Sigaw ni Mama na tuwang-tuwa pa na kumakaway samin.
"Ces! Kumapit ka kay Ford" kaya no choice naman ako at humawak sa bewang part nya. Si papa at si Kuya Neil, ayun. Parang mga tangang kinikilig na ewan.
"Ako na po bahala, sige po. Una na po kami" sabi ni Ford at pina-andar na yung motor.
"Anong paandar yun, bakit kaulangan mo pa kong ihatid?" Tanong ko
"Lagi naman kitang hinahatid aa?" Pambabara nya
"I mean, oo nga. Pero bakit sa harap pa ng bahay namin at nagpakita ka pa kayla Mama. Feeling close ka din masyado ee" sagot ko.
"Feeling close ka dyan? Diba nga, sabi ko sa mama at papa mo. Ako bodyguard mo? Ako tagabantay mo. Guardian mo"
So ano, anak na ba ko ng Presidente ng Pilipinas? Anak ng mayor? Congressman at kailangan pa ng taga-bantay? I just rolled my eyes. Ford yan ee, parang abnormal.
"Asus. Dami mong ganap" sagot ko na lang. Ayoko na lang din pahabain yung usapan.
Just like the usual routine. Sabay kaming pumasok ni Ford sa room sa second period namin. Late na naman kasi kami kay Erlinda ee. Feeling ko nga lalagapak na grade ko dun dahil palagi akong late sa klase nya. Ewan ko ba, simula talaga ng dumating si Ford. Lagi na kong late.
Naiwan si Ford sa may parking lot dahil ayaw nya pa daw pumasok. Medyo nahihiya pa din kasi sya gawa nga nung nangyare.
Nakaupo ako dun sa may waiting area malapit sa gate ng maya-maya may mga nantri-trip saking mga lalaki. Yung mga seniors din na nang-away sakin noong pinarusahan kami.
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?