"San ba tayo pupunta?" Tanong ko. Basta inayaya na lang ako bigla ni Ford na umalis.
"Teka lang, may kukunin lang ako" sabi ko. Kukunin ko sana yung regalo ko para sa kanya kaso masyado na syang mapilit at mamaya na lang daw kung ano man yun.
Gamit yung motor nya. Pumunta ulet kami sa park. Maraming tao ang dun na din nag-celebrate ng New Year at nago-overnight na din dun habang masayang kumakain at nagsasaya.
"Ano ba ginagawa natin dito?" Tanong ko
"Wala lang, ano. Gusto lang kitang makasama" sagot nya. Teka nga, bakit kailangan pa dito?
"Magkasama naman tayo sa atin aa? Bakit--" magsasalita pa sana ko kaso tinakpan nya yung bibig ko.
"Relax. Okay? Gusto kitang makasama, yung tayong dalawa lang" sabi nya na nakatingin ng derecho sa mata ko.
Napalunok ako. Hindi ko maipaliwanag yung feeling.
"Eh Ford, ano. Ikaw din naman ee, gusto din kitang makasama" sabi ko. Nagpupunas pa ko ng mukha ko. Pinagpapawisan pa ko kahit na malamig naman ang hangin.
"Talaga?" Tanong nya. Masayang-masaya na sya nun.
"Oo kaya. Namiss kaya kita" sagot ko. Wait. Parang mali ang script. Masyado ka namang nadudulas, self.
"Weh?" Hindi sya makapaniwala. Edi wag
"Namiss din naman kita ee. Ang lungkot kaya ng pasko ko, wala ka ee" sabi nya.
Lintik. Sabog obaryo. The feeling is mutual lang din naman kasi, Ford.
"Likewise. Hahaha" sagot ko.
"Hahahaha. Seryoso yan aa?" Tanong nya na parang sarcastic. Napangiti na lang ako at napapangisi na lang sya.
"Seryoso. Namiss talaga kita, ano. Akala ko kasi makakasama kitang mag-celebrate ng pasko, ganun" sagot ko
"Asus, paano mo ko makakasama eh busy ka at namamasko ka pa sa mga kamag-anak mo?" Pang-aasar nya.
"Gag* mo. Hindi na ko namamasko no? Ang tanda ko na kaya" sagot ko with maarteng pag-irap.
"Baka ikaw nga yun ee" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
"Hindi aa, ako kaya ang nagbibigay. Hahahaha" sagot nya.
"Bakit? Ilan na ba ang inaanak mo?" Tanong ko
"Wala. Wala akong ina-anak. Hahaha" sagot nya. Napa-cringe na lang ako bigla.
"Asus" sabi ko na lang. Kunwari hindi ako convinced.
"Hahaha. Tama na nga yan, hindi naman yan ang dahilan kung bakit tayo nandito ee" sabi nya to divert the topic
"Eh bakit nga ba?" Tanong ko
"As I said, gusto nga kitang makasama. Yung tayong dalawa lang" sagot nya. Inulit nya lang yung sinabi nya kanina.
"Ayun nga ee, eh bakit kailangang dito pa?" Tanong ko ulet
"Wala. Hindi mo ba naa-appreciate yung ganda ng langit? Yung buwan oh, ang ganda" sagot nya.
Looking at those stars in the sky. Feeling ko para kaming nasa-- whatever. Basta. Tinitignan ko yung mga ngiti sa labi ni Ford habang nakatingala sa langit at tinitignan yung mga stars.
"Alam mo ba, ang sabi ng mga matatanda. Kung sino man ang kasama mo sa New Years eve, hindi daw kayo mapaghihiwalay" sabi nya.
Teka nga. Fact ba to? Or Hoax at gawa-gawa lang ni Ford?
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?