Paikot-ikot lang ako sa kama ko. Eto na naman yung ganitong feeling, para na naman akong sinasaniban ng kung anong espiritu at nagtatalo yung inner malandi at conservative self ko.
"Ces, tanghali na!" Mula sa pinto. Naririnig ko yung boses ni Mama at kinakalampag na ko sa kwarto. Grabe, akala ata nila puyat na puyat ako dahil alas nueve na pero hindi pa din ako bumabangon.
"Ano, ma. Pasensya na po" sabi ko paglabas ko ng kwarto saka dumerecho sa kusina para kumain.
"Blooming ka ata ate?" Pangaasar ng magaling naming bunso.
"Blooming ka dyan!? Sapakin kita ee" sabi ko nung kumukuha ko ng pagkain sa ref.
"Ayan oh, nagblu-blush ka ee" sabi nya at nakaturo sakin. Tumingin naman ako sa may salamin sa may sala, hindi naman. Parang sira.
"Isa. Sinasabi ko talaga Steven, makakasapak ako" pagbabanta ko.
Tawa na lang ng tawa ang bwisit na bata na ginagatungan pa ni Kuya. Parang feeling ko tuloy may kinwento sya tungkol sa nangyare sakin kahapon kasama si Ford. Lintek.
Meanwhile...
"Hoy! Gising na!" Sabi ni Jhon sabay bato ng unan sa mukha ni Ford habang mahimbing na natutulog.
"Anong oras na ba?" Tanong nya habang nagkukusot ng mata at naghihikab pa.
"Anong oras na!? 9:30 na! Kanina ka pa pinapagising ni Mama dyan" sagot naman ng magaling nyang kapatid.
"Kuya, lagot ka kay Mama" sulsol naman ni John Paul.
"Isa pa tong si Khentot ee" sabi ni Jhon at ginising din si Khen.
"Gising na ko, tinatamad lang akong bumangon" sagot naman nito.
Nakaboxer at nakasando lang ang dalawa na bumangon at panibagong isang magulo at asaran na araw na naman para sa kanilang magku-kuya.
"Ferdinand, utusan kita. Pumunta ka sa palengke. Bumili ka ng mga rekado para sa ulam natin" utos ng mama nito kaya sinunod naman nya ito.
•_•_•
"Oh, paano. Aalis muna ko. Magpupunta lang ako sa bayan para mag-grocery" sabi ni Mama at nakapang-alis.
"Ma, sama ko" sabi ko. Gusto ko din naman kasing umalis since nababadtrip lang ako sa bahay.
"Sige na, isama mo na si Ces para may tagabitbit ka" tatanggi pa sana si Mama ee. Mabuti na lang binack-up-an ako ni Papa.
Pumunta muna kami ni Mama sa isang Grocery para bumili ng mga dried ingredients, mga de-lata at kung ano pang kailangang bilhin para sa bahay. Pagkatapos, bumili naman kami sa labas (palengke) ng mga karne, gulay at kung ano pang pwedeng pang-ulam namin sa tanghalian.
Nakatalikod kasi ko kay Mama habang namimili sya ng mga gulay ng magulat ako kasi bigla nyang tinawag si Ford
Sandali nga, tama ba? Si Ford ba?
"Hello po Tita" narinig kong bati ng boses
"Nandyan si Ces" sabi ni Mama sabay turo sakin at sakto naman na paglingon ko nya sinabi yun.
"Uy, Ces" bati nya
"Ford" bati ko din at tumango pa sa kanya. Yung para lang kaming magbarkada na nagbatian dyan sa kanto.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Malamang namimili" inunahan na agad ako ng inner self ko. Ang tanga ko sa tanong na yun.
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?