Chapter 38 | New Prince Charming

135 6 1
                                    

Pagkatapos naming kumain ni Nato sa labas. Hindi na ko pumasok sa mga klase ko at minabuti ko na lang na magstay sa Library maghapon. Gusto ko lang kasi munang mapag-isa at the same time, umisip ng paraan kung paano ko kakausapin at mag-sorry sa mga gaga. Honestly, hindi ko din naman gusto at hindi ko din sila masisisi kung ganun na yung treatment nila sakin dahil kay Ford.

Pababa na sana ko ng library since uwian na din ng makita ko sa labas na naglalaro ng basketball sila Ford at Nato. I mean, kasali si Ford sa mga naglalaro sa mga varsity. The last time I check, wala namang interest si Ford na magjoin sa varsity team aa? Parang nagiba ang ihip ng hangin.

Sa kamalas-malasang pagkakataon. Madadaan at madadaan ka talaga sa court bago ka makalabas ng school kaya no choice naman ako na magdaan dun habang naglalaro silang dalawa. Ang awkward neto, sana nga lang hindi nila ko mapansin.....

"Ces!" Tawag ni Nato. Patay

"Hinahanap ka ni Ford!"

Napalingon ako bigla. Nakaturo pa si Nato kay Ford at si luko naman, ayun. Namumula na. Siguro sa hiya or sobrang awkwardness. Sinuntok pa ni Ford si Nato sa sikmura nito. Ay wow, close sila?

"Ba" tawag sakin ni Ford at lumapit na sya sakin

"Tara na, uwi na tayo"

I just gave him a cringe look. Mas na-notice ko kasi yung panghalip na "tayo". I mean, meron ba, Ford?

"Hindi na" masunget na sagot ko at naglakad palayo

"Ces!" Tawag nya at hinahabol ako

"Ano ba problema?" Tanong nya

"Wala, ano. Basta, layuan mo muna ko, please?" Sabi ko at hindi na sya pinansin. Sorry for being rude, Ford. But I just have to cool off. Sana nga lang, maayos ulet ang pagkakaibigan namin ng mga gaga kapag lumayo ako sayo.

•_•_•

Iniwan ko yung cellphone ko sa bahay since hindi naman healthy kung dadalhin ko pa sa school. Wala din naman kasi kong ite-text at hindi talaga ko masyadong pala-text or tawag since Im socially awkward with conversations especially kung hindi ko masyadong kilala. Sila Chester lang naman ang rason kapag nagpapaload or magte-text ako ee, or kapag aalis ako. Minsan nga tinatanong ko na din sa sarili ko ee, bakit pa nga ba ko nag-cellphone?

Unexpectedly, may isang random number na nag-text sakin. As in, bukod kasi sa promo ng network provider ko, mga registration and something. Yun lang naman ang laman ng inbox ko. Oh, not to mention ang mga gaga at si Ford.

Hey, beautiful.

Bati nung isang number. I just gave a cringe look. Beautiful what?

May gigil ako sa pagta-type ng reply ko.

Beautiful mo mukha mo. Sino ba to?

Ang lakas ng loob kong sumagot, aba malay ko sa pagkakatanda ko wala naman akong load. Nagulat ako, biglang nag-send bigla. Patay.

Sunget naman :( I just want to be friends with you lang naman eh.

"Sino ba to?" Tanong ko sa sarili ko habang binabasa yung reply nya. Sino ba to? Prank texter lang ba to? Or, dont tell me, si Ford ba to?

Hoy Ford. Wag mo nga akong pag-tripan.

Reply ko. Nangigigil pa din ako sa pagtipa sa keyboard.

Ford? Sino yun? Im Dennis.

"Dennis? Dennis who?" Tanong ko sa sarili ko. Parang wala pa kong nae-encounter na Dennis sa school aa? Classmate? Teka, wala akong matandaan?

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon