"Sino kumulam sayo?" Tanong ni Ford. Oh great. Nang-asar nga si luko. I just rolled my eyes. Nangbabadtrip pa ee.
"Ganda mo na ngayon. Yan, tama yan. Mabuti naman hindi mo na suot yung salamin mo" sabi nya at inayos yung buhok ko.
"Mukha ka ng tao"
Ayan. Nakatikim tuloy ng suntok sa balikat nya.
"So dati, ano? Mukha akong--"
"Si beast" inunahan nya ko sa sasabihin ko at sinagot nya na agad yung tanong na pumapasok sa isip ko. Walangya. Tama bang ikumpara ko kay Erlinda na que sunget-sunget?
"Luko ka aa!" Provoked na sabi ko
"Ligawan mo si Bettina magisa mo. Bwisit ka" sabi ko at lumayo sa kanya ng konti at naka cross-arms.
"Uy, sorry na" sabi nya at nilalambing ako.
Galingan mo pa Ford, hindi mo pa nakukuha kiliti ko.
"Bahala ka sa buhay mo" masunget na sabi ko at tumayo saka lumapit sa mga gaga.
"Huy! Sandali lang! Eto naman, hindi na mabiro ee" biglang bawi nya. Tignan mo to. Abnormal din ee.
"Lola ka dyan, sapakin pa kita ee" maangas na sabi ko at bumalik dun sa upuan.
"Sorry na. Eto naman, bakit ba kasi nagpaganda ka---- Ah, alam ko na. Siguro nagpapansin ka kay Nato no?" pang-aasar nya.
Natumbok na nya ee. Eh kaso, sige. Sabihin na natin na para kay Nato din pero hello naman diba? Para kaya sa kanya to. Bwisit talaga.
"Nato ka dyan, hindi ba pwedeng para sa sarili ko muna?" Segway ko na lang. Sana nga lang effective. Pero bwisit talaga.
"AHHH. Hahaha. Okay" pa sarcastic na sabi nya habang naghahagod pa ng baba nya. Tignan mo to, halata na nang-aasar lang ee.
"Pero seryoso, ang ganda mo na talaga. Tuloy-tuloy mo na yan aa" sabi nya sabay tumayo sandali para may kunin sa kabilang side. Jusko. Gusto kong magsisigaw kaya halos ipasok ko na yung kamao ko sa bibig ko. Kaloka. Effective talaga transformation ko.
Mula sa harap, nakita ko na nag-approve sign sila Chester sakin at kumindat naman ako. Nag-appear naman ang dalawang gaga. Mamaya na ang chika. Nandyan na si halimaw.
"Goodmorning class!" Masunget na bati ni Mam. Masu
"Goodmorning Mam" bati namin. Sarcastically. Plastic din ee no? Ano nga ba ang good sa morning kung sya ang bungad na teacher, diba?
Nagpalecture lang sya agad so nagsusulat na naman kami in our early period. Que galing diba? Morning exercise din talaga namin to ee. Pero syempre, magsusulat ako. Eh si Ford, ayun? Tamad talaga ee.
"Huy, magsulat ka kaya" sabi ko kasi tahimik lang sya habang naglalaro ng games sa phone nya
"Tinatamad ako ee" sabi nya at may paghikab pa. Palibhasa kasi nasa dulo kami kaya hindi kami kita sa mga pinaggaga-gawa namin.
Masyado namang tempting tong si Ford, ayan tuloy. Tinamad na din akong magsulat since sumasakit at nangangalay na din yung kamay ko.
"Ces, sa tingin mo. Ano, magugustuhan kaya ako ni Bettina?" Out of nowhere, tinanong yun ni Ford. Wow, walang busina? Walang preno? Nakakasagasa ng feelings aa.
"Ha? Oo nga. Bagay kayo" sagot ko. Wala ee, bestfriend ko ee. Susuportahan ko.
"Talaga ba? Hahaha. Thank you, pinapalakas mo loob ko"
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?