Chapter 29 | Busted

120 8 2
                                    

"Ate, paload po" sabi ko sabay abot ng bayad ko sa tindera. Habang tina-type ko yung number ko sakto naman na dumating si Ford at may bibilin din.

Tumabi lang ako ng konti or should I say medyo umiwas ako sa kanya na parang strangers na strangers talaga kami. Hindi kami nagkikibuan like that. I get it. Ano pa ba inaasahan ko diba?

"Okay na teh?" Tanong nung tindera.

"Okay na po, pumasok na po. Thank you" sabi ko at naglakad na din pabalik ng bahay namin. Sakto din na pabalik na din si Ford sa kanila pero nilagpasan nya lang ako. Hindi ko man gusto, pero parang may kumirot ng bahagya dito sa may puso ko. Grabe naman yun, Ford. Talagang pinersonal mo talaga?

Nung papasok na ko sa may gate namin. Naabutan ko si Ford na nakatayo sa may terrace nila at parang may kausap sa phone. Si Bettina siguro. Halata naman kasi sa ngiti at mga tawa nya pa lang. Hindi ko na lang din pinansin at alam kong masasaktan lang ako kung papanuorin ko pa sya habang masayang nakikipagusap sa phone. Samantalang ako, ayun nganga. Nakita ko pa nga na nakatingin sya sakin kaya pumasok na din sya sa kanila.

•_•_•

"Bakla. Ang taray, may paganito sa court oh" sabi ni Angge kasi pagpasok namin sa school may nakaset up na roses na naka-korteng puso sa may gitna ng basketball court.

Si Ford agad yung unang pumasok sa isip ko. Sya nga kaya ang may pakana nito? Medyo nakakagulat kasi ngayon ko lang sya nakitang mag-effort ng ganito. Ibang klase pala. Yung tipong panghihinayangan mo kung papalampasin mo pa o tatanggihan mo pa to.

"Ay oh, winner. Pak. Si Ford" sabi ni Chester at nakita ko nga si Ford kasama yung mga classmate kong nagi-gitara. I mean, yung banda nila Doreen.

Medyo napatigil kami sa paglalakad. I mean, parang huminto talaga yung oras lalo na nung kumanta na si Ford at nagsimula ng maghiyawan yung mga tao sa corridor.

What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
My head's under water
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang bigla na lang tong nanikip sa hindi ko malamang dahilan. Like, hello. Sobrang nakakakilig yun. Ikaw ba naman ang haranahin sa gitna ng madla diba? Yung tipong "sana naging ako na lang si Bettina" feeling.

Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh oh

Pagkatapos kumanta ni Ford. Lumapit na sya kay Bettina na kasama yung mga friends nya. Kilig na kilig na yung mga estudyanteng nanunuod at talagang may pasabog kang tarpaulin sa taas ng 4th floor na may nakalagay na

Bettina, can you be my girlfriend?

Tapos inabutan sya ni Ford ng boquet ng red roses at lumuhod pa sa harapan nito. Thats it. Ayoko ng alamin kung ano yung mga susunod na nangyare. Nagmamadali akong tumakbo paalis habang umiiyak. Goodbye Ford.

On the other side of the story....

"Bettina, can you be my girlfriend?" Tanong ni Ford

Hindi naman makasagot si Bettina. Hindi nya alam kung paano sasabihin kay Ford na....

"Sorry, bro. Hindi pwede. Because shes my girlfriend" sabi ni Dennis. Isa sa mga pinaka mayamang estudyante sa school nila at isa sa mga sikat dahil sa kagwapuhan nito.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon