Chapter 8 | For Real

123 7 1
                                    

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay. Yung nakakalokong tingin nung bunso naming si Steven at ni Papa yung sumalubong sakin. Sakto kasi na nasa labas sila ng bakuran at kagagaling lang sa pamimili nung nakita ko na bumaba sa motor ni Ford.

"Oh bakit?" Pasuplada kong tanong sa magaling kong bunso.

"Uy. Loving-loving. Pa-angkas-angkas pa sa motor. Yiieeee. Boyfriend mo?"

Ay grabe naman tong batang to. Grade 5 pa lang ganun na agad tumatakbo sa utak. Naka-angkas lang sa motor, boyfriend na agad? Lakas maka-abnormal din ee no?

"Classmate ko lang yun, kapit-bahay natin kaya sinabay nya na ko pauwe" sagot ko. I guess valid naman na sagot yun. Totoo naman diba?

"Pero Crush mo?"

Nabigyan ko tuloy ng isang pingot at kutos si Steven. Kahit kailan talaga, hobby nya na bwisitin ako.

"Hindi, duh" sabi ko at nagmano kay papa saka pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapalit ko ng uniform. Usap-usapan na agad nila Mama at Papa yung tungkol nga sa nakita nila ko ni Steven na naka angkas sa motor ni Ford. Since kapitbahay lang namin sya, ayun. Naging isang malaking issue agad yun sa kanila.

"Nililigawan ka ba nun?" Tanong ni Mama.

"Ma! Hindi, duh. Hinatid nya lang ako pauwe. Sinabay nya ko kasi magkapitbahay. Hanggang dun lang yun" sagot ko na medyo iritable. Hindi ko lang pinapahalata pero naiinis talaga ko. Medyo may hangover pa din kasi nga dun sa nangyare maghapon.

Mabuti na lang may nilutong Carbonara si mama na merienda namin kaya kahit papano, nawala yung inis ko at naging stress reliever ko yun. Pero si mama, ayun. Sobrang mapush talaga.

"Mabuti na lang nagluto ako ng marami, oh Ces. Bigyan mo ng Carbonara yung bagong kapitbahay natin. Para naman pasasalamat na din sa kaibigan mo"

Wait. Selfish ako, bakit kailangan pang bigyan ng Carbonara sila Ford ganung kaya ko naman yung ubusin lahat?

At teka lang aa, kaibigan? Siguro oo, kanina nung pinagtanggol ako ni Ford. Pero ngayon, kung baga sa unli promo. Expired na yung validity nun.

"Hindi na Ma" sagot ko na lang.

"Hay naku, bigyan mo na. Bakit, nahihiya ka ba? Para naman ma-welcome naman natin ng maayos yung bago nating kapitbahay" sagot naman ni Mama. Syempre, no choice naman ako. Kailangan kong sundin ang utos ng inang reyna.

Pagkatapos kong kumain, ayun na. Hawak ko na yung isang tupperware na may lamang Carbonara at ide-deliver na sa bahay nila Ford. Nakakainis nga ee. Napaparanoid kasi ko na baka pagtawanan nya pa ko or iba isipin nya kasi magdadala ko ng pagkain sa kanila.

Iniisip ko na nga lang na iwan na lang sa gate nila yung Carbonara eh. Para at least wala na kong problema kaso nandun nakatambay at may kausap sa phone yung isang lalaki. Kapatid ata to ni Ford.

Nung binaba nya na yung tawag, dun na ko lumapit sa kanya at inabot yung tupperware.

"Hi" bati ko.

Tulad nung magaling nyang kapatid. Tinaasan nya din ako ng kilay na para kong may gagawing masama.

"Ano, eto oh. Carbonara. Ugh. Parang ano, welcome gift namin sa inyo mga bago naming kapitbahay"

And he gave me a cringe look. Okay, great. Kung nababasa ko lang yung nasa isip nya malamang sinasabi nya na siguro na member ako ng sindikato at ito yung way ko para sa mga modus or whatsoever ko. Fck. Kill me now, kill me. Inaabot ko na yung tupperware pero ayaw nya talagang kunin. Grabe, mukha ba kong kriminal?

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon