Hindi ko lang pinapahalata pero sobrang cold na yung treatment ko kay Ford. Hindi ko kasi sya masyadong kinikibo hanggang sa makauwe na kami. Naka-angkas pa din ako sa kanya sa motor pero dead air lang. Walang usap-usap. Nagkaron lang siguro kami ng konting conversation nung bumaba na ko.
"Salamat" sabi ko at tinatapik yung balikat nya.
Binigyan nya lang ako ng isang matipid na ngiti saka kinurot yung pisngi ko na parang bata.
"Pagod ka ata maghapon. Hahaha. Sige na, magpahinga ka na" sabi nya bago pumasok sa gate nila. Dumerecho lang ako sa kwarto ko at saka ginamot ng konti yung sugat ko kasi sumasakit pa din talaga sya.
Nung nakahiga na ko sa kama ko. Nandun pa pala yung jacket ni Ford na pinahiram nya sakin last time. Nalabhan ko na din naman to at ewan ko ba kung bakit nasa kama ko pa. (Pero wag kayo maingay, nung unang gabe talaga yakap-yakap ni Ces yun sa pagtulog. Lol)
Hindi ko alam kung ano yung nag-udyok sakin para pumunta kayla Ford at personal na isoli sa kanya yung jacket nya. Baka kasi kung ano pa magawa ko, ipa voodoo or ipakulam ko pa sya. Makita nya
"Ay iha, sakto. Nagluto ako ng merienda" sabi sakin ng Mama nya. I cringe. Isosoli ko lang naman yung jacket ni Ford. Bakit kailangan nya pa kong papasukin sa loob at pakainin ng Merienda?
"Hindi na po, Tita. Sandali lang naman po ako, isosoli ko lang po to kay Ford" sabi ko at iiwan na dapat yung jacket sa kanya. Pero mapush talaga si tita.
"Inutusan ko lang sandali si Ford na bumili dyan sa botika dyan. Pabalik na din yun, halika iha. Pasok ka. Kain ka, masarap tong niluto ko"
No choice naman ako. Pumasok ako sa bahay nila at saka pinaupo ako sa dining area. Labag man to sa loob ko pero kesa naman sa ipahiya ko sya diba?
Few minutes later. Narinig ko na yung makina ng motor ni Ford. At yung pagtawag nya kaya napapikit na lang ako sa sobrang awkward. Ano naman kaya papasok sa isip nito kung bakit ako nandito? For sure magiisip ng iba yan.
"OH?" Gulat nya nung nakita nya ko.
"Ay, Ford. Nandito pala yung bestfriend mo" sabi ni Tita at parang nawalan ako ng ganang kainin yung luto nyang ginataan sa sobrang hiya.
"Hi-Hi-Hi" awkward na bati ko.
"Sinoli nya lang yung jacket mo, aalis na nga din dapat eh sabi ko dito muna sya. Magkwentuhan muna kami at para naman makilala ko din sya" sabi ng Mama nya. Hala, ang awkward talaga nitong pinasok ko.
"Mabait naman yan, Ma. Sobra" sabi nya at umupo na din at tumabi sakin.
"Mukha naman" sagot ng mama nya.
Tinitignan ko si Ford ng masama. Like, what? Ano bang pakulo to? Parang gusto kong malusaw ako sa upuan na inuupuan ko sa sobrang kaba at paranoid.
"So, kamusta naman ang anak ko? Pasaway ba yang si Ferdinand?" Tanong nya sakin.
Hindi ako makasagot. Kunwari ngumu-nguya pa ko at hindi pa ready magsalita. Pero ano ba, sasabihin ko ba na, na? Ano nga ba?
"Mabait naman po" sagot ko. Wait. Redundant. Medyo pahamak yung "naman" part.
Tinignan nya ko na parang hindi sya convinced sa sagot ko. Nak ng teteng. Eto na nga ba sinasabi ko ee.
"I mean, mabait naman po si Ford, tita. Matalino. Active na active po sa klase" dagdag ko.
Active my ass. Ayun, active na i-triggered at i-provoke ako. Bwisit din to ee.
"Mabuti naman, pag tinatanong ko kasi yan ee. Naku, wala akong matinong sagot na nakukuha. Baka nga puro paglalakwatsa ang ginagawa nyan ee. Wala lang akong oras, pero minsan talaga dadalawin ko yan sa school ee" sagot nya. Hala. Strict pala ang mother dear ng beshie natin.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?