Chapter 64 | Meet Mona

55 2 1
                                    

Mona Liza Palomares sent you a friend request.

Ini-stalk ko muna sandali yung nasabing babaeng nagsent ng friend request. Nakita ko naman na taga-school din namin kaya in-accept ko na lang din. Wala akong paki-alam kung sino man sya or what, basta.

"Bakla, may nagawa ka na bang assignment? Pakopya naman" sabi ng Angge.

At bilang nagba-babad ako sa pagfa-facebook. Hindi ko sya masyadong pinapansin kaya inagaw nya sakin ang cellphone ko. Badtrip.

"Akin na nga yan, gaga ka talaga ee!"

Inagaw ko sa kanya ang phone ko na halos gamitan ko ng dahas. Panira ng moment ee.
Nung naagaw ko na Angge, ayun. Parang mas lalo akong nabadtrip nung nakita ko yung profile picture nung Mona na may crush kay Ford.

Lintek.

San kinuha ng babae na yun ang lakas ng loob na i-add ako? At teka lang aa, talagang ginawa nya talagang profile picture yung selfie nila ni Ford kanina at naka-collage pa. Nag-effort pa ang gaga. Gawa naman sa pizap na sobrang chaka ng pagkaka-edit.

"Angge, maganda ba?" Tanong ko sa impaktang nasa tabi ko.

"Sino yan? Girlfriend ni Ford?"

Parang na-offend ako dun. Shet.

"Gaga! Girlfriend ka dyan!? Ingudngod ko pa yang babaeng yan ee!" Sagot ko na nangigigil at konti na lang mabe-bend ko na yung phone ko sa inis.

"Ay, bakit may ganyang react ate mong Ces?" Panga-asar nya.

"Eh mangaagaw sya ee! Bwisit na yan. May balak pang agawin sakin si Ford"

Ay wow naman, self. Ang powerful mo dun. Sobrang possesive ko naman at authoritive para bakuran si Ford.

"Oh, eh ano naman ang masama? Crush nya din naman si Ford aa? So give chance to others" sagot pa nya

"Langya ka. Sino ba talaga sinusuportahan mo aa?" Tanong ko. Yung talagang kino-konsensya ko syang bruha sya.

"Syempre ikaw, eh kahit naman tanga ka ee. Ano, basta. Suportado kita sa katangahan at kalandian mo, ateng. Alam mo yan"

"Eh kaso, may limit din ang pagiging tanga no, like hello? Grabe ka naman kasi ate girl. Nung una eh akala mo kung sino kang galit na galit kay Ford, tapos ngayon gaganyan-ganyan ka sakin. Tapos, ano? Ilang buwan na kayong magkasama. Andami nyo ng pinagsamahan pero hindi mo man lang maamin na gusto mo sya. Hay nako" sabi nya habang iniinom yung milkshake na inorder namin. Salamat na lang talaga sa libreng wifi dito sa place na to ee.

"Hello, eh kung umamin ako sa kanya. Ayun, malamang pagtatawanan lang ako nung lukong lalaki na yun. Tssss" may pessimistic na sagot ko.

"Sabagay. Ewan ko ba kasi sa inyo ee. Para kayong mga tanga. Eh tong si Ford feeling ko Crush ka din nun ee. Torpe lang, sagad sa buto pagka-torpe pa kamo" sabi nya na hindi ko pinapaniwalaan. Never in my wildest dreams.

"Bat naman ako magiging crush non? Nahihibang ka ba? Hello. Bwisit sya. Torpe? Chura nya" violent reaction ko.

"Eh bakit naman ganyan ang reaction mo? Like hello, Cecilia. May label ba kayo ni Ford? Hindi mo nga masabi sa kanya yung feelings mo. Eh talagang mauunahan ka talaga nyan"

"Bahala na. Malandi kasi yang si Ford ee" sabi ko habang iniinom yung shake ko.

"Pero mas malandi ka naman" medyo pabulong yun at kunwari patay malisya ang Angge nung sinabi nya yun. Pasalamat nga sya napigilan ko sarili ko kungdi natapon ko na sa kanya yung iniinom ko.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon