Chapter 14 | Red Alert

167 8 2
                                    

Sabado ngayon. Yes, weekend. Walang pasok. Magiging tahimik ang buhay ko. Walang Ford sa paligid. Magkukulong lang ako sa kwarto. Manunuod ng movies sa laptop ko. Tapos....

"CES! YUNG KAIBIGAN MO NANDITO!"

Medyo napabalikwas ako ng bangon sa kama. Teka nga, bakit naman pupunta ang dalawang gaga kong kaibigan dito ng wala man lang pasabi? Ano naman kaya ang problema nung dalawa, broken hearted ba si bakla at mago-open up sakin?

"Pababa na po!"

Sabi ko at hindi na ko nagpalit. Wapakels na din kung may muta-muta pa ko at gulo-gulo yung buhok ko at naka loose shirt lang ako na akala mo si Andrew E na Hip-hop ang datingan. Yung mga gaga lang naman yun ee. Normal na makita nila ko in my pure and authentic pangbahay self.

"Goodmorning po" bati nung lalaki.

Walangjo. Ang Ford pala. Nakita ko yung sarcastic nyang ngiti nung nakita nya yung itsura ko at kausap si Mama sa may pinto. Buti na lang nasa hagdan pa ko. Que walangyang lalaking to. Ano naman ang gagawin nya sa bahay namin?

"Tuloy ka iho. Ces! Yung kaibigan mo!" sabi ni Mama at tinawag ako kaya no choice naman ako at lumapit ako sa pinto kahit na mukha akong sira sa suot ko.

"Ay, hindi na po. Pinabibigay po kasi to ni Mama sa inyo. Embutido po yan, luto nya. Tapos eto na din po yung lalagyan nung Carbonara"

May pa exhange goods pang nalaman. Nagbalikan at nagpalitan lang ng pagkain. Naks. Baka one day friends na din sila Mama at yung Mama ni Ford. Pero kami, no way. Mukhang malabo tayo dyan.

"At ipapaalam ko lang po sana si Ces, may project po kasi kami ee. Gagawa po kami sa bahay ng classmate ko, okay lang po ba?"

Umagang-umaga, makakapatay ako. Seryoso, masyadong mapagimbento tong si Ford. Anong pakulo yun? Wala naman kaming project aa?

Tinignan ako ni Mama at nakita ko na nanlaki yung mga mata nya sakin na parang binabalaan ako like that. Edi no choice naman ako kesa sa ipahamak at mapahiya sya kaya labag man sa loob ko, sinangayunan ko yung sinabi nya.

"Opo ma, okay lang ba? Kung hindi, okay lang naman po ee. Magsasabi na lang ako" sagot ko. Naks naman, may pang acting na drama pa ko kaya pumayag na din sya na umalis ako.

"Thank you po, Tita. Una na po ako. Sabay na po kaming aalis ni Ces mamaya. Sige po" paalam nya at lumabas.

Pagbalik ko sa kwarto ko. Kinuha ko agad yung phone ko para tawagan sya, ay mali. Naunahan nya ko. Naalala ko din na wala nga pala kong load, okay na din yun pero bwisit talaga sya.

"Hutaena. Anong pakulo yun? Group project ka dyan!?" Walang hello-hello. Yun agad bungad ko sa kanya.

"Hahahaha. Wala akong maisip na dahilan ee. Basta, mamayang after lunch. Daanan kita. Samahan mo ko"sagot nya. Walangyang to. Idadamay pa ko sa kalokohan nya.

"San naman kita sasamahan? Kung balak mong pumunta sa impyerno, wag mo kong idamay dyan sa kalokohan mo" sagot ko. Medyo bagong gising pa naman ako kaya mainit-init pa ulo ko. Dagdagan mo pa na parang ngayon ata or napa-advance ang dating nung monthly visitor ko.

"Samahan mo lang ako mamaya, malling tayo. Sagot ko, ano? Payag ka na?"

Medyo nagdadalawang isip ako. Since may magic words naman syang sinabi na "sagot ko" or better yet, treat nya edi go. Wag nating tanggihan ang libre.

"Sige, ikaw bahala" sagot ko

"Sabi na ee. Papayag ka. Sige, mamaya daanan na lang kita. Maligo ka na ng mga 12:30 tapos bubusina na lang ako kapag nasa labas na ko ng bahay nyo" may pagkakamot ako ng ulo sa inis. Para kasing biglang gusto kong mag-backout. May dalaw na nga ako magagawa ko pang lumabas at maggala. Pero hayaan mo na nga, nasabi ko na ee. Babawiin ko pa ba?

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon