Chapter 51 | Awkwardness

101 5 2
                                    

"Thanks sa paghatid, Ford" sabi ko na may kasamang paghikab. Antok na antok na din kasi ko gawa ng pagod na din.

"Asus, para namang hindi tayo magkapitbahay. Hahaha" sagot nya. Jusko, kahit medyo namimikit na yung mata nya nagawa nya pa ding mang-asar.

"Sige na, una na ko Ford" sabi ko tapos may pag-halik pa sa pisngi nya bago kami maghiwalay.

Nung nakapasok na ko ng gate sa bahay namin, dun ako parang sinampal ng katotohanan at napahawak sa labi ko. Bakit naman may pagkiss sa cheeks, self?

(Likewise si Ford, hindi nya din ine-expect na hahalikan sya ni Ces sa pisngi at aminin nya man o hindi, namula ito at kinilig)

Jusko. Ano ba nagawa mo, Ces? Ano yun? Bakit may ganun? Dahil ba to sa sobrang puyat? Masyadong carried away sa ball? Nakakaloka. Sinasampal ko pa yung sarili ko sa kapangahasang nagawa ko. Panigurado iba na pumapasok sa isip nung si Ferdinand.

(Nagsususuntok sa hangin sa tuwa tong si Ford pagkapasok nya ng bahay nila. Naabutan pa nga sya ng mama nya na tuwang-tuwa at kinikilig)

"Kainis" sabi ko na may bonus pang sabunot sa sarili ko

"Kamusta naman yung ball, Ces?" Tanong ni Mama. Medyo nagulat pa nga ako kasi hindi ko naman expect na gising pa pala sya. Narinig nya kaya yung mga rants ko tungkol sa paghalik ko kay Ford?

"Po? Ugh. Okay naman po, Ma. Eto medyo pagod" sagot ko na lang.

"Eh bakit parang naiinis ka? May problema ba?" Tanong nya. Mukhang narinig nya nga.

"Wala ma, ano. Pahinga na po muna ko" sagot ko na lang at umakyat na sa kwarto ko.

Meanwhile...

"Mukhang masayang-masaya ka Ferdinand aa?" Tanong ng mama ni Ford

"Po? Ano, hindi naman Ma" sagot naman nito.

"Halata nga. Nagwawala-wala ka nga dyan ee" sarcastic na sabi nya.

"Mukhang nag-enjoy ka kagabe ee. Saka sa ngiti mo na yan, mukhang nanalo ka na ee" sabi nito na parang iniintriga si Ford

"Nanalo nga, Ma. Panalo kaya kami sa Battle of the bands" sagot naman nga pero hindi ito ang tinutukoy ng mama nya.

"Eh kay Ces?" Tanong nito na kinangiti naman ni Ford. Yung malaking ngiti na abot hanggang tenga nito.

"Nanalo na nga. Hahaha" pang-aasar ng mama nya.

"Ha? Ano ma, ano. Wala. Basta" Hindi alam ni Ford kung ano ang isasagot nya kaya natatawa na lang ang mama nya.

"Nagbibinata na talaga ang anak ko, naku Ferdinand" kantsaw nya.

"Matagal na kong nagbibinata, Ma. Kayo naman" sagot ni Ford at umupo sa dining table para kumain ng almusal at pagkatapos ay magpahinga gawa ng pagod at puyat sa Christmas ball nila.

•_•_•

Nagising ako mga alas tres na ng hapon. Bawing-bawi naman yung tulog ko pero pagbaba ko, biglang bumalik yung guilty feeling na nahalikan ko sa pisngi si Ford kanina.

Siguro puyat din sya, siguro makakalimutan nya na din yun o kaya sabihin ko na lang at indeny sa kanya na baka nananaginip lang sya, like that. Ganun na lang kaya gawin ko?

May nilutong Carbonara si Mama kaya yun ang minerienda ko habang pinapanuod silang mag-decorate ng bahay. Masyadong christmas na christmas vibes na yung sala namin. May christmas tree, may stockings na nakasabit sa pinto at mga bonggang lanyards na nakasabit sa pader.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon