"Thank you sa pagsama" sabi sakin ni Ford nung papunta na kami sa sakayan ng jeep.
Deadma. May pa-attitude si ate girl.
"Huy, eto naman. Napipilitan ka lang ba?" Tanong nya at umakbay pa sakin. Not totally akbay, basta nakahawak sya sa balikat ko habang sabay kaming naglalakad.
"Hindi, okay lang" sabi ko on my most not so normal but pilit tone.
"Ang init lang kasi, hindi naman ganito dati ang init kapag december ee" katwiran ko na lang. Sino ba naman kasi ang matinong lalabas ng tanghaling tapat, diba? Ewan ko ba dito kay Ford ee. Hindi man lang nagdala ng payong.
Nung nakasakay na kami ng jeep. Hindi pa din ako umiimik. Nakafocus lang ako sa phone ko, kunwari may ka-text. Pero ang totoo, unlock, bukas, basa ng message lock ulet. Repeat then fade. Trying to escape the atmosphere with him. Para nga lang kaming strangers ee. As in, umaandar na yung jeep pero kami wala pang ni-ha, ni-ho. Speechless lang kami unlike sa mga katabi namin sa jeep na may kanya-kanyang topic.
"For---" magsasalita sana ko kaso ang magaling na manong driver, ayan na naman. Pumreno na naman bigla.
Kunwari nag-slow mo yung oras. Akala ko kasi maaksidente kami kasi sobrang lakas ng impact ng preno nya. Yung tipong napasubsob talaga ko kay Ford at muntik ng magtama yung mga labi namin.
Mabuti na lang at nasalo nya ko. I mean, nahawakan nya yung balikat ko para hindi ako totally dumikit sa kanya pero yung kamay ko, ayun. Kung san-san nakakarating at napahawak ako sa hita nya.
The closer I get to touching you
The closer I get to loving you
Give it time, just a little more time
Well be togetherKunwari may nagpla-play na namang background music. Nasa isang ilusyon na naman ako.
Nakatingin lang kami ni Ford sa isat-isa at tila kami lang ang laman ng jeep.
Every little smile, that precious smile
That twinkle in your eyes, in a little while.
Give it time, just a little more time
So we can be closer, You and---*kroo-kroo-kroo*
Nilalakihan na ko ng mata ni Ford. Which means, wtf. Ang OA ko. Nakapreno at nakaandar na si manong driver pero ako naman eh nakahawak pa kay Ford ng bongga.
"Sorry" dispensa ko at nag-ayos ng msarili ko. Nakakaloka. Nakakahiya. Pinatitinginan kami ng mga tao sa jeep. Yung feeling na gusto mo ng bumaba at tumakbo na lang pauwe na ng bahay nyo. Ganun sana yung gusto kong gawin kaso nasa gitna kami ng highway kaya wag na lang.
Nung nakadating na kami sa nasabing mall. Nagpahinga muna kami sandali at uminom ng milk-tea sa isang stall. Hindi pa din kami nagiimikan ni Ford. At wala din akong guts para kausapin sya. Feeling ko nga kinakahiya nya ko nung nasa jeep kami ee.
"Salamat" sabi ko nung inabot nya yung libre nya. Yun lang ang starter ng paguusap namin.
"Meron ka na naman ba, kaya ka tahimik?" Tanong nya. Referring to my monthly visitor.
"Wala, ano. Puyat lang talaga ko. Shet. Sorry talaga kanina sa jeep aa. Para talaga kong tanga" sagot ko. How naman, masyado mo namang nilaglag ang sarili ko.
"Asus, okay lang yun. Pasensya ka na aa. Wala lang talaga kong pwedeng ibang makasama. Nastorbo pa tuloy kita" sabi nya
"Naku, hindi. Okay lang, eto naman" urong sulong talaga ang ate girl nyo.
"Anyway, ano bang regalo ang balak mong bilhin kay Tita?" Tanong ko

BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanficThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?