Chapter 3 | Let The Battle Begins

157 6 0
                                    

Mabilis lang na dumaan sa lalamunan ko yung 32oz coke na iniinom ko. Wala akong pakialam kung medyo siga yung paginom ko at pagpunas ko sa labi ko at nilamukot yung paper cup na pinaginuman ko. Badtrip kasi talaga yung Ford na yun. Makikita nya talaga hinahanap nya.

Napasipol na lang at nagpapatay malisya yung tindero sa canteen dahil sa badtrip na aura ko. Umupo ako dun sa isang table para magpalamig kahit papano. Kailangan ko talagang magcool-off muna, ngi hindi ko na nga pinasukan yung second class ko for the morning class dahil sinumulan na ko ni Erlinda ng kabadtripan. At lalo na yung Ford na yun? Hutaena nya. Gaganti at gaganti talaga ko sa kanya.

Mga isang oras na din ata akong nakatambay sa canteen nung makita ko na nagdadatingan na nga yung mga classmates ko at sakto na nandun din ang dalawang gaga kong kaibigan.

"Bakla! Ano ba kasi nangyare? Nakakaloka ka aa" sabi ni Angge nung pag-upo nya.

"Pinaguusapan ka kaya nila kanina, gaga ka. Ikaw na, wagi ka girl. Pinaguusapan ka ng madla" sabi ni Chester. Oh, bakit ako na naman ang nakita nila? Ako ba may kasalanan?

"Bat naman ba kasi ganun ang first meeting nyo te? Para kayong ex-lovers na ngayon na lang nagkita at nagra-rant sa isat isa. Ganon" sabi ni Angge.

"Ex-lovers ka dyan!? Duh. Ako maiinlove sa mayabang na lalaking yun? In your dreams. Bwisit na to" medyo beastmode na sagot ko.

"Eh ikaw naman kasi, bakit ba kasi ang init ng dugo mo dyan sa Ford na yan? Ngayon lang kayo nagkakilala oh? Ano, mortal enemy mo ba sya sa past life mo, ganoin?" Tanong ni Chester.

"Hindi. Basta, ganito kasi yun...." panimula ko ng kwento.

At yun nga, sinalaysay ko sa kanila in detailed yung nangyareng pagkikita at paguusap namin ni Ford last night, nung ginawa kong pag-approach sa kanya, yung pagkapahiya ko at syempre na magkapit-bahay lang kami.

"Ayan kasi, inunahan ng landi" sabi ni Chester.

"Gaga! Landi ka dyan? Hello, ako na nga tong nagmagandang loob oh? Ako pa tong. Basta. Badtrip talaga" sabi ko na lang at pinalo pa yung table sa sobrang inis ko.

"Ayun na nga baks ee, ikaw na nga nagmagandang loob. Ikaw pa tong napahiya. Hahahaha, buti pa ko. Maganda lang" sabi naman ng Angge.

Napatahimik kami ni Chester at nakatingin lang sa kanya.

"Oh bakit, may nasabi ba kong mali?" Tanong ng nagmamagandang Angge.

"Ikaw, maganda? Teh. Tara. Kumain na lang tayo. Dali, para naman mabawas-bawasan yung init ng ulo mo Ces. Libre ko na, wait." Sabi ni Chester at tumayo kasama ang Angge para bumili. At least dun man lang sa libre ni bakla mawala man lang ng konti ang inis ko.

Habang naghihintay ako sa dalawang impakta. Sakto naman na dumating din si Nato my crush at sakto na naghahanap ng upuan, gosh. What to do? Wait. Act normal Ces.

"Hi" sabi nya.

"Pwedeng maki-share?" Tanong nya with his signature mala close up smile.

"May dalawa kong kasama ee. Pero sure, dito ka na lang sa isang space" sabi ko

Syempre, hindi ko naman pwedeng ilaglag ang mga kaibigan ko kahit na mga gaga at impakta yun. Mahal na mahal ko yung mga yun at mas mahalaga sila kesa sa crush ko.

"Sure thing" sabi ko in my normal tone. At least medyo nawala ang badtrip ko kahit papano. Lakas talaga ng charms ni Nato. My forever happy pill, makita ko lang. Buo na agad araw ko.

Pinapanuod ko lang sya habang kumakain ng inorder nya. Burger at may rice meal. Wow. Hindi nakaka-turn off kahit na ang laki ng subo nya. Siguro, ganun talaga yung mga lalaki. Malakas talaga kumain unlike sa mga babae na medyo pabebe pa like that, or siguro pagod sya sa training ng Basketball. Ayan nga oh, pinagpapawisan pa sya.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon