Chapter 47 | Christmas Party

103 6 4
                                    

"OMG. Sino ida-date mo bukas?" Tanong ni Chester sakin.

"Ikaw Angge?"

"Syempre, ikaw. Ikaw lang naman ang boyfriend ko kahit mas lalaki pa ko sayo ee" sagot naman ng nagmamagandang Angge.

Christmas party na kasi namin ngayon sa classroom. Bali bukod yung Christmas party na per classroom at yung buong masang estudyante.

"Ikaw na lang din ang date ko, bakla. Ayaw mo nun? Dala-dalawa kaming date mo bukas. Ikaw na pinaka poging lalaki bukas sa ball" sagot ko na lang. Magbabawi ako since matagal kong hindi nakausap ang baklitang to.

"Correction, maganda ate girl" sabi nya sabay wave ng pointing finger nya at parang nagsasabi ng "wag ka". Lantod talaga. Dinaig pa ko.

"Change topic. Sino nabunot mo sa exchange gift at ano yang regalo mo?" Tanong naman ni Angge.

"Ha? Ano, si Felicity. Badtrip nga ee. Binili ko ng make-up. Tutal lagi namang coloring book mukha nun ee" sagot ko. Yung classmate kong puro kolorete mukha na minsang lumandi kay Ford.

"Ako, si Jayson" sagot ng baklita. Kilig naman kami. Gwapo din yun. Bortang ina din

"Ano binigay mo bakla?" Curious na tanong ko.

"Pagmamahal ko. Charot. Sapatos lang, size 12" Galante ang impakta. 200 nga lang ang maximum na price range ee. Ibang klase talaga.

Sabay-sabay kaming pumunta sa school in our best OOTD. Yung pang-pasko na nga ata namin to. Pero ako, simple lang. Plain maroon shirt at fitted jeans lang saka sapatos suot ko. Bukas na lang ako eeffort ng outfit, sa ball na.

"Ready na ba yung performance nyo mamaya, boys?" Tanong ni Doreen sa mga boys sa other side which is nandun si Ford

"Kailangan mapasaya nyo mamaya si Mam. Erlinda aa?" Sabi nya. Ang taray, may pa special number pa ang mga boys.

"Hindi lang si Mam, pati kayong lahat" sagot naman ni Jonas. Parang nakaka-excite naman yung kung ano yun.

"MERRY CHRISTMAS MAM!" Bati namin nung pumasok na yung butihin naming adviser. Buti nga medyo good mood ang lola natin ee. Siguro dahil na din sa vibes ng celebration or nagbabagong buhay na talaga sya.

"Thank you, thank you. Merry Christmas din sa inyo" sabi nya at umupo na din sa upuan sa harapan.

Sinimulan na namin yung kyemeng program para sa party namin sa room. Si Doreen ang host at ume-echos-echos lang si Ford. May mga pa-games. Pa-raffle. Tapos bago kami kumain, eto na nga yung "surprise number" ng mga boys.

"Waaaaaahhh!" Tili namin. Nakapila na kasi sila na parang choir like that. Si Ford yung nasa gitna tapos bago sila magsimula, may speech pa ang luko.

Tahimik lang kami. Lahat excited sa kung ano mang pasabog nila.

"Guys. Aagahan namin ang Valentines para sa inyo, Mam, mga girls. This is all for you" sabi ni Ford na may pa-flying kiss at kindat pa.

Play "Silly Love Songs" by Glee cast while reading this part.

Nagplay na sila Doreen ng instruments, actually hindi na pala kailangan kasi may mga marunong namang mag-beat box at mag warble ng boses, yung acapella talaga.

You'd think that people would have had enough of silly love songs
But I look around me
And I see it isn't so
Some people want to fill the world
With silly love songs
And what's wrong with that?
I'd like to know
Cos here I go again

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon