"Go Ford!" Medyo nahihiya pang sigaw nung Mona.
"GO BAAAAAA!"
Tinginan ang madla. Center of attraction ako sa nasabing pagsigaw ko na kinataob ng Mona. Nakita ko yung nangingiting reaction ni Ford habang nagdri-dribble at nung na-shoot na nya yung bola. Napapangisi sya ng konti nung nakatingin sya sakin with matching pa-turo effect ala "ikaw talaga" like that.
Siguro sa isip-isip nung Mona, eh bakit "Ba" ang tawag ko kay Ford. Jusko, thats out of her business. Basta kami my own version ng endearment namin ni Ford.
"GO BABE! GO FORD!"
Babe your face. Bakit, girlfriend? Kapal ng mukha neto aa. Kunwari may apoy-apoy ako sa background at nang-gagalaiti ako sa galit na gusto kong itulak si Mona.
"GO FERDINAND!"
Alam ni Ford na kapag tinatawag ko sya sa pangalan nya talaga, eh isa lang ang ibig sabihin nun. Galit na ko.
Nakita ko na nanlaki yung mata ni Ford nung narinig nya yung sigaw ko. Yung parang hindi sya makapaniwala na yun ang sinigaw at pinangalandakan ko sa campus ang totoo nyang pangalan. Windang na windang din ang Mona nung napatigil sya at napatingin sakin.
(Sa isip-isip ni Ford. Sobrang awkward na awkward sya lalo na sa mga ka-team at sa coach nya dahil kayla Ces at Mona. Hindi nya alam kung paano nya ie-entertain yung dalawa kahit na medyo strict sila sa practice at kinakantsawan sya ng mga ka-team nya)
"GO FORD!" Sigaw nung Mona. Bwisit talaga. Pa-epal.
Gusto ko pa sanang makipag-compete sa kanya kaso nakita ko na yung mukha ni Ford na hindi maipinta. Siguro sa isip-isip nun minumura na nya ko or what. Ako kasi yung nagmumukhang pa-epal sa kanya.
Umalis na din ako agad. Mabuti pa na hintayin ko na lang sya sa gate. No, hindi pa ko tapos ate mong Mona. Alam ko lang kung saan muna ko lulugar.
Almost 6:30pm na nung natapos sila Ford. Ang tagal ko ding naghintay tapos makikita ko lang si Ford na kasama si Mona palabas. Sobrang badtrip diba?
Bahala ka dyan, Ford.
Nung nakita ko na sila,parang biglang naginit yung paningin ko at may tumutulo na luha sa nga mata ko. Nagseselos ako, yes. Kahit hindi naman dapat.
Meanwhile...
"Ces?" May pagtataka pang tanong ni Ford nung may nakita syang babae sa may gilid ng gate at naglalakad na palayo.
Nung naaninag na nga nya na si Ces yun, dali-dali nya itong hinabol para kausapin at sabay na silang umuwe.
Nagpaalam na din sya sa kasama nyang si Mona at iniwan na itong magisa sa gate para sundan si Ces.
•_•_•
"Ces!" Narinig kong tawag ni Ford at hinahabol ako pero hindi ko sya pinapansin.
"Ba!"
At nahawakan na nya yung balikat ko para iharap ako sa kanya.
"Ano, tapos na training nyo?"
"Lame"
Diba? Binara nya na agad ako. Ang sabaw din naman kasi ng tanong ko, diba? Obvious naman kasi. Ayan na nga oh, nasa harap ko na sya.
"May problema ba?" Tanong nya
"Wala, ano, nasan na si Mona? Bakit hindi mo kasama?"
Ang pathetic ko talaga. Shet
"Wala, umuwe na yun. Sinamahan ko lang sya sa paglabas. Tapos umalis na din ako nung nakita na kita, bakit naman hindi mo ko hinintay?"
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?