CES
Buzz. Buzz. Buzz
The alarm on my phone wakes me up. Nakapag snooze na din sya ng 30 minutes kaya nalate akong gumising. So expected na nalate ako sa first class ko for the morning session.
"Ces! Ano ba, kanina pa tunog ng tunog yang alarm clock mo? Hindi ka pa din ba bumabangon?" Medyo pagalit na sabi ni Mama habang nagwawalis sa loob ng kwarto.
"Sorry, Ma. Napuyat lang po. Late na din ako natulog kagabi ee. May ginawa pa ko" sagot ko at nagkakamot pa ng mata at may paghikab.
"Oh sya, sya. Tumayo ka na dyan, kumain ka na ng almusal at magayos ka na para pumasok"
Tumayo na din ako agad at saka dumerecho sa banyo para maligo.
"Ang ganda ko talaga" sabi ko sa sarili ko.
Kung nakakapagsalita lang siguro yung salamin, malamang minumura na ko nun at baka may bonus pang sampal at sabunot para magising ako sa katotohanan.
Ano ba maganda sakin, ugali siguro. Yun na lang naman kasi maipagmamalaki ko ee. Though minsan nahihiya pa ko, pero sa mukha? Ayun, maliligo na lang ako. Baka may pag-asa pang magbago.
Pagkatapos kong maligo. Nagbihis na din ako at nagayos. Syempre, sinuot ko na din yung salamin ko sa mata na lagi ko ng kasama. Hindi naman ako nerd or whatsoever, sadyang nagve-vertigo lang talaga minsan ang mata ko minsan kapag wala akong suot na salamin.
"Pasok na ko, Ma" paalam ko sa mama ko.
"Nag-almusal ka na ba bago umalis?" Tanong nya
"Hindi na po, sa school na lang po ako kakain" sagot ko na lang at nagmano na din kay Papa saka naglakad palabas.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Hinahanda ko na yung mga posibleng magiging excuse ko kung sakaling mapagalitan ako ng teacher namin sa first class.
Mga dalawang pasahero na lang ata ang hinihintay bago umalis yung jeep. Kaya dalawang klase ko na siguro sa morning class ko ang hindi ko mapapasukan. Ang galing lang. Sobrang ganda ng timing.
"Oh isa na lang. Isa na lang oh?" Sigaw nung barter at nagtatawag ng mga pasahero
"Boss. Kasya pa ba?"narinig kong tanong pa nung lalaki. Nakapikit lang ako at nakayuko kasi sa loob-loob ko. Alam ko na papagalitan ako ng teacher namin sa dalawang subject kung bakit ako nalate at hindi nakapasok sa klase nila.
"Excuse me. Excuse me po"
Naramdaman ko na may tumabi sakin kaya medyo umusad ako ng bahagya para makaupo din ng maayos yung lalaking kasasakay lang.
Nung umandar na yung jeep. Dun lang ako dumilat at tumingin sa kabilang side ng jeep. Nakatulala lang ako pero hindi ko pinagmamasdan yung mukha ng kaharap ko na babae na mukhang coloring book ang mukha dahil sa make-up o kaya yung katabi nya na isang ubo na lang ata sa sobrang payat.
Ay. Sorry. Que aga-aga nanglalait na naman ako. Pero nagsasabi lang din naman ako ng totoo.
Nung napansin ko na tumaas yung kilay sakin nung babae, akala nya ata tinitignan ko sya kahit na lagpas yung lipstick nya ng konti. Inikot ko na lang yung paningin ko at sakto naman na nakita ko yung bag nung lalaking kasasakay lang. Ang galing nga ee. Hawkbag kasi yun na kulay neon green with touch of black. Kamukha ng bag ng crush ko.
Wait. OMG
Tinignan ko yung mukha nung lalaking katabi ko at sakto naman na si Nato nga na crush ko yun. What the hell, for pete sake. Kill me now. Kill me
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?