Chapter 41 | Confrontation

113 8 0
                                    

"Himala, bakit hindi pa sya nagte-text? Napagod siguro" I said stupidly while staring on my phone. Nakakapanibago din pala. Dati, wala naman akong pakialam at hindi naman ako naghihintay kung may magte-text or tatawag sakin. Ngayon lang talaga. Wow naman, sino ka ba talaga Dennis?

Nakahiga na ko sa kama ko pero nagulat ako kasi may tumatawag sakin. And most surprisingly, number ko. Teka nga, ano ba to? Kalapit lang ba ng number ko, or. Dinouble check ko nga at na-confirm ko na number ko nga talaga yun. Weird.

"Hello?" Bati ko. Akala ko nasa horror films ako kasi sobrang peculiar nito. Akala ko nga sariling boses ko yung maririnig ko ee. Eh walangya. Boses ni Ford.

"Ford!? Walangya ka. Bat nasayo SIM ko!? Kaya naman pala nagtataka ko---" medyo galit yung pagsasalita ko pero nagpapaliwanag din sya. Medyo natigilan lang ako nung nagpapaliwanag sya at may narinig akong "niloloko" at "Bettina" part.

"Oh ano si Bettina? Hoy Ford. Kung may problema ka pa kay Bettina, pwede ba. Tantanan mo ko. Akala ko ba naka move on ka na?" Tanong ko

"Lumabas ka, magusap tayo para maipaliwanag ko ng maayos at masoli ko na sayo SIM mo" utos nya kaya lumabas ako ng bahay at sakto nung pagbukas ko ng gate ay kalalabas lang din nya ng bahay nila.

"Ces, let me--" nagsasalita pa sya pero syempre, babae ako ee. Ako yung mas nauna.

"Ano ba problema mo aa!? Kanina ka pa ee. Ano ba trip mo!?" Tanong ko. Beastmode nga ee.

"Pwede ba tumahimik ka muna. Hayaan mo muna kaya akong magsalita" sabi nya. Pero kalmado pa din sya. Ay wow naman, himala ata.

"Kilala mo ba yung Dennis na yun!?" Tanong nya na kinatahimik ko.

"Hindi, diba? Eh paano kung sabihin ko sayo na pinagtri-tripan ka lang nya? Ces. Maniwala ka sakin. Alam ko na kung ano ang baho nya" paliwanag sakin ni Ford. Parang biglang nanigas yung buong katawan ko na hindi ko maipaliwanag.

"Prino-protektahan lang kita, Ces. Dahil ikaw ang bestfriend ko" dagdag nya. Medyo naiyak naman ako sa part na to. As in, tumulo talaga yung luha ko.

Nakatahimik lang ako.

Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ko or what. Para lang akong naging tuod na nakatayo habang nakatingin sa kanya.

"Oh, eto na yung SIM mo" sabi nya at kinuha yung kamay ko at nilagay sa palad ko yung SIM.

"Nasayo na yun kung makikinig ka sakin o hindi, bahala ka. Basta ako, bestfriend mo lang naman ako ee" sabi nya sabay naglakad palayo.

Parang may biglang sumupalpal sakin nung sinabi ni Ford yung "lang". Hindi lang naman "lang" diba? Mahal na kaya kita, Ford. Hindi ba dapat ako nga ang nagsasabi nyan?

•_•_•

Kinabukasan.

Medyo dinamdam ko pa yung paguusap namin ni Ford nung gabi na yun. Ngi hindi nga ako nakatulog dahil sa sinabi nya ee. Hindi na nga din nagte-text si Dennis at hindi ko na din tinangka na i-text pa sya gawa nga nung nalaman ko. Ang tanga-tanga ko sa part na yun. Mabuti na lang nalaman ni Ford yung agenda ni Dennis sakin kung hindi, ayun. Welcome sa mundo ng mga playboy and fckboy, self.

"Sya yung ex-boyfriend ni Bettina at niloloko ka lang nya. Pagtri-tripan ka lang nya kagaya ng ginawa nya kay Bettina"

I remember the exact phrase na sinasabi ni Ford nung kausap ko sya sa phone. Wow. Bettina? Tapos ako yung sinunod nya diba? Ibang klase. Bakit ngayon ko lang din na realize yun? Kilala ko na din pala si Dennis eversince. Ano ba ginawa nya sakin para mabulag ako at sumakay pa ko sa trip nya? Mabuti na nga lang hindi na dumating yung point na magkikita kami sa darating na Christmas ball. Parang hindi ko ata kakayanin.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon