"Ay, boys. Congrats nyo naman yung dalawang vocalist natin. Oh? Tignan nyo. Panalo!?" Sabi ni Doreen pagpunta namin ni Ford sa stage dahil magpra-practice na nga kami para sa battle of the bands sa Christmas party.
"Congrats!" Bati ng mga kasamahan nila sa nasabing banda.
Hindi ko na din ie-elaborate pa pero nag-champion ulet yung Basketball team ng school namin sa nasabing district competition and unexpectedly, pasok ako sa top 10 ng news writing competition. Hindi naman sa pagyayabang, I got the first place kaya masasabi ko naging fruitful din naman yung pagtra-training ko and at the same time, ang lakas maka goals na parehas kaming nanalo ni Ford on our respective competitions.
"Thank you guys" sagot naman ni Ford habang naka-akbay.
"Ehhhh, ikaw ba Ford. Naipanalo mo na ba ang laban?" May parang pinapahiwatig tong si Doreen at nakatingin din sya sakin.
"Hindi pa" sagot naman ni luko.
May "pa" so may balak, may initiation. May goal to accomplished such act. Eh ano nga bang "laban" yun, Ford? At eto naman kasing si Doreen ee. Parang sira.
"Ano, tara na? Practice na tayo?" Aya ni Ford at sumama na dun sa grupo ng mga lalaki at nagusap naman kami ni Doreen na naka cross arms pa.
On the parallel side of the story...
"Kamusta na ba kayo ni Ces pre?" Tanong nung mga boys kay Ford
"Ikaw aa, ano na ba kasi lagay nyo ni Ford?" Tanong ni Doreen kay Ces
"Mag-bestfriends lang naman kami ee" exact phrase na sinagot ng dalawa.
"Baka naman kasi ang manhid mo" sabi ni Doreen
"Baka naman kasi ang torpe-torpe mo pre, ayan na sa harap mo oh?" Kantsaw ng mga boys.
"HINDI AH!?" Sagot ng dalawa. Medyo napalakas yun at nagkatinginan sila sa magkabilang dulo ng stage.
"Ikaw aa? Ayan lang sya, oh. Ano na? Bakit hindi ka pa kasi umanin?" Tanong ni Doreen
"Mygod. Alam mo naman yung pinagsamahan namin mula sa simula diba? Hindi maganda. Naku, napaka imposible" sagot ni Ces.
"Pre, alam mo. Baka maagawan ka pa" sabi ng mga boys.
"Hindi no? Napaka man-hater kaya nyan" sagot na lang ni Ford.
"Man-hater? Pero lagi kang kasama? Eh baka naman hindi ka talaga man, pre?" Pang-aasar nila.
"Gag*. Ang ibig kong sabihin, ano. Sobrang focus lang kasi ni Ces sa studies nya. Basta. Hindi sya yung basta-bastang babae. Iba yan ee" sagot ni Ford.
"Bakit? Halimaw ba sya?" Pangaasar nung isa.
"Oo, pre. Halimaw sa ganda, sa bait, at sa talino"sagot naman ni Ford at nagkantsawan na sila at inaalog-alog pa si Ford.
Naririnig nila Ces yung kantsawan ng mga boys at nakikita nya yung mga tawa ni Ford.
"Tignan mo nga yan, bwisit na yan. Baka nga mamaya kine-kwento nya ko sa mga boys ee. Malay mo sinisiraan nya ko dyan. Naku, dyan kaya magaling si Ford" sabi ko na umiirap mula sa direksyon nila.
"Asus, hay naku naman kasi Ces. Wag ka ngang nega. Minsan nga, try mo. Hulihin mo sya" sabi ni Doreen
"Paanong hulihin?" Tanong ko
"Edi hulihin mo? Hindi mo pa ma-gets? Gumawa ka ng way? O kaya ano, hayaan mo syang madulas sa sarili nyang mga salita at mga kilos nya. Aamin at aamin din yun" sagot naman nya. Whatever. I just shook my head.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?