Chapter 20 | "Crush Mo?"

137 8 2
                                    

Napagtripan naming maglaro ng Basketball ni Ford. Actually wala lang, eme-eme lang. Gusto ko lang kasing mapasaya or at least madivert ko yung disappointment ni Ford kahit papano gawa ng pagkatalo nila kanina. Edi ako naman ang talunin nya, oh diba? At least may isa syang panalo na magpapasaya sa kanya today. Nye-nye. Ang corny.

Nung nasakin na yung bola. Niyakap ko na agad yun ng garapalan. Secured kung secured habang tumatakbo.

"Hoy travelling yan! Sobrang travelling yan" natatawang sabi ni Ford habang hinahabol ako at pilit inaagaw sakin yung bola. Gusto ko ngang ipa-confirm kung basketball pa ba tong laro na ginagawa namin ee.

"Walang travelling-travelling! Tumabi ka dyan!"

Wow. My games, my rules ang peg ni ate girl nyo.

"Ang daya mo" sabi ni Ford at pilit pa ding ina-agaw sakin yung bola. Tinatakbo ko na nga ee. Parang naging habulan pa tong laro na to kesa sa ishoot ko yung bola. Pero si Ford, ayun. Sinasakyan lang yung trip ko.

Shinoot ko yung bola kaso hindi pumasok kaya naagaw sakin yun ni Ford. Nagdri-dribble sya tapos nakaharang yung isang kamay nya sakin at dine-depensahan yung bola. Eh brutal si ate girl nyo, ayun. Hinawakan ko yung kamay nya at hinila sya kaya medyo na out of focus sya at nabitawan yung bola kaya naagaw ko na naman then same routine. Yakap, takbo, defense ng bola ang peg ko.

"Ano bang klaseng paglalaro yan? Foul na yan ee" sagot nya. Dami nyang arte.

"My game, my rules" mataray na sabi ko at second attempt ko ng pag-shoot ng bola. Ayun, pumasok.

1-0

Ang unang maka 3 points sya na agad panalo. Kaya kailangang galingan ko talaga, wow. Galingang mandaya ee no? Good job Ces.

Puro pantri-trip lang ang ginagawa ko kay Ford para madistract sya.

"Uy, si Bettina oh?"

Aba, lingon naman ang kuya natin. Naout of focus sya kaya naagaw ko na naman yung bola.

"Wala naman ee" sagot nya na medyo naiinis. Tignan mo to, lakas nga ng tama kay Bettina. Ibang klase

"Hahahaha. Naisahan kita. Blee"

Wow, ako nga ba nakaisa sa kanya, o sya? Lakas mong i-open up si Bettina kay Ford, self. Walang selos-selos?

Pinagpatuloy lang namin yung puchu-puchung basketball na to at gumagamit na din ng dahas si Ford. Medyo dirty tactics na din kasi ang ginagawa nya pero oks lang. Talo na din naman sya.

Magsho-shoot na sana sya kaso bigla akong pumasan sa kanya. Yung para kong monkey na naka-kapit sa sanga este sa leeg nya.

Imbis na magalit sya, ayun. Natutuwa pa nga si luko ee. Inabot pa sakin yung bola para ako mag-shoot.

"I-shoot mo. Dunk mo na" utos nya.

"Ang taas ee" sabi ko. Hello, ang taas kaya nung ring?

"Teka"

Tapos bigla nya kong binaba. Lumuhod sya ng bahagya sakin saka nag-propose. I mean, nagutos na sakyan ko sya. Yung para kong nanga-ngabayo at nakapasan ako sa balikat nya. Yung horseback riding style like that. Para kaming mga acrobats habang nakapasan ako sa kanya.

"YEY!" Tuwang-tuwang sabi ko kasi feeling ko para na kong nasa PBA o NBA na napapanuod ko kapag dinadak-dak nila yung bola sa ring.

"Panalo ko!" Tuwang-tuwang sabi ko at pinapalo pa yung balikat nya. Wow, parang hindi nya ko binuhat.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon