Chapter 19 | Nato vs Ford

119 7 2
                                    

Maaga kong nagising sa hindi malamang dahilan. Siguro gawa na din ng excitement or what kasi Intrams week namin ngayon at madami talagang activities ang gagawin sa school mamaya. May Chess game din akong sasalihan mamaya thats why.

Naligo na din ako kaagad at nagbihis. Tahimik yung bahay. Tulog pa kasi sila Papa at yung dalawa kong bwisit na kapatid. Si mama lang yung gising na at nagluluto na ng almusal.

"Ang aga mo naman ata?"

Kahit sya nagulat sa ganito kaagang gising ko. Like seriously? 4:30am? Unlike sa normal na gising ko na usually 6 or 6:30am.

"Ah, eh. Wala lang po" sagot ko na lang. Dont tell me pati pag-gising ko ng maaga magiging big deal pa.

Umalis ako sa bahay ng mga 6am. Medyo maaga talaga sya unlike sa mga normal na pag-alis ko sa bahay. Gusto ko kasing iwasan si Ford muna. I mean, inunahan ko na sya kesa sa hintayin nya ko at sabay na naman kaming pumasok. Medyo naaw- awkwardan kasi ko to be honest. Like seriously, bakit ba kailangang sabay pa kami lagi pumasok? Ngi wala nga kaming relasyon, or what. Basta. Natatakot lang ako na baka kapag sinanay ko yung sarili ko na lagi kaming magkasabay ni Ford, at dumating yung point na magbago ang lahat at least prepared ako sa pagdating ng araw na yun.

"Oh, ang aga aa?"

Walangya. Nakasalubong ko pa si luko habang bumibili sya ng Pandesal sa may kalapit na bakery.

"Magkikita pa kami ng mga gaga ee. Sige, una na ko" matipid na sagot ko at lumingon lang ng konti sa kanya bago naglakad ulet palayo.

Okay na din yun, at least aware sya na maaga ko umalis at hindi nya na ko hintayin. Pero to be honest, wala naman talaga kong pupuntahan. Magsasayang lang ako ng oras sa isang convenience store para dun kumain at tumambay sandali bago pumasok sa school.

Mga 7:15am nung sumakay na ko ng jeep papuntang school at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasakay ko na naman si Nato at naka-jersey uniform na din.

"Huy" bati nya

"Uy, ikaw pala" awkward din na bati ko kasi nasa harap ko lang sya. At bakit lumipat sya sa tabi ko?

"Goodluck sa game mamaya aa" cheer ko. Kahit may kumokontra sa isip ko at dapat kay Ford ko daw sabihin yung mga katagang to.

"Hahaha. Salamat. Manong bayad po" sabi nya sabay abot nung bayad nya sa jeep. Maglalabas na din sana ko ng pamasahe ko kaso...

"Ilan tong bente?" Tanong nung driver.

"Dalawa pong estudyante" sagot nya at pinigilan nya ko sa pagkuha ko ng barya sa wallet ko.

"My treat" sabi nya sabay kindat. Walangya. Sabog puso.

Simpleng pamasahe lang yun, kinikilig na ko. Ano masasabi ng syete pesos na kilig ko?

"Salamat" sabi ko at may pag-hawak pa sa balikat nya. Mygod. Ang hot nya kapag naka-jersey talaga. Swear

"Nuod ka ng game aa. Cheer mo ko" sabi nya

"Ha? Sige" sagot ko. Ay suhol pala. Pero whatever. Manunuod naman talaga ko ng game nila mamaya.

Yun nga lang, hindi ko alam kung kaninong team ako kakampi. Mas matimbang sakin yung team namin, which is yung team nila Ford. Pero syempre, since Crush ko si Nato, may part pa din sakin na nagsasabi na dun ako kumampi.

Jusko inner self. Bakit ba pinapahirapan mo pa sarile mo? Edi wag ka na lang manuod, para walang problema.

Medyo tinagalan ko talaga yung paglalaro ng Chess or sadyang medyo intense lang talaga yung game namin ni ateng fourth year. Parang nantri-trip na nga lang kami sa isat isa kasi halos nagbabalik-balikan lang kami ng moves para hindi ma kain nung mga natitirang galamay yung king at ma "check" ito.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon