Nasa magkabilang side kami ni Ford. Its a quiz bee kind of game pero matira matibay ang labanan. Parang last man standing ang peg nito. Ang mananalo o yung team na pinaka marami ang natira ang makaka-kuha ng additional 15 points sa darating naming exam next week.
Okay. Question number 1.
"Solve for the volume of the cube" sabi ni Sir. Mark at drinowing na yung cube na iso-solve namin.
Para kaming nasa isang competition ni Ford. Yung tipong pang malakasang contest talaga na talagang nag-aapoy yung board kasi ang diin naming magsulat at magcompute.
Walang gamit ng calculator. Brain vs Brain talaga ang labanan. Ngi hindi ko nga sya tinitignan at nakafocus lang ako sa computation ko. Yun nga lang, halos sabay lang kaming natapos at sabay nag ring dun sa bell na nakapatong sa table
Parehas ding tama yung sagot namin kaya naghiyawan yung buong klase.
"Ang intense nito aa. So lit" sabi ni Sir na nagpupunas pa ng pawis. Yes, the room is literally on fire.
"Next question, solve for the area of this parralelogram"
Nakadrawing na din sa board yung figure. Mabuti na lang talaga at kabisado ko yung mga formula kaya hindi ako ganung nahirapan. Eh ang Ford kasi, ayun medyo natameme nung una. Kung di lang nag coach yung mga nasa likod, wala na. Talo na sya. (Evil laugh) kaso ang magagaling kong classmate, ayun. Si Ford talaga kinakampihan. Mga bwisit ee.
Nauna kong nakasagot at tama yung sagot ko. Ayun, talo ang Ford. Tinignan ko sya na nakataas ang kilay at naka killer smirk sa kanya. Ang ganda ko, shems. Nakita ko yung nang-gagalaiti nyang mukha. Beastmode na si Attorney. Umuusok na yung ilong.
"Okay, next contender" sabi ni Sir at pipili na sya ng panibagong player sa mga boys.
"Sir, si Ford pa din po. Sya na lang po ulet" sabi nung isang lalaki. Aba, talagang pinu-push talaga nila ang pagaaway namin ni Ford aa.
"Opo sir, para maganda po ang laban." Sabi naman nung ibang girls. Aba, mga isat kalahating malandi tong mga babaeng to. Sino ba kinakampihan nila? Pero sige, mukhang magandang laban nga ito.
"Okay, ganito na lang. Support nyo na lang yung dalawang to. Kung sino manalo sa kanila, its either the boys or the girls ang makakakuha ng additional points sa exam. Okay ba yun?" Sabi naman ni Sir at nag-agree ang buong klase.
Walangya. Medyo napressured naman ako dun bigla. Kailangan hindi talaga ko magpatalo. Bukod sa pride ko dahil kung matatalo ko ng Ford na to eh lalamunin nya ko ng buhay, eh syempre nandun din yung pressure sa mga kaklase kong babae. Kailangan naming maipanalo to.
"Okay then, solve for----" may pa suspense na sabi ni Sir. Mark at may pinabasa saming word problems. Situational yung sasagutan thats why kailangan pa naming i-analyze.
"Solve for the base."
Gotcha. Nakuha ko din yung tinutumbok nung question. Dali-dali akong nagcompute sa board at nung nakita ko ni Ford na nagsasagot na. Parang sakin nya lang din kinopya yung formula.
Wala pala to ee. Nango-ngopya lang. Tsss. Pero hayaan mo na nga sya. I just focus on my solution at nung sure na ko sa sagot ko. Nag buzz na ko sa bell at saka chineck ni Sir.
Nagsasagot pa din si Ford. Wala na, talo na ee. Nagsasagot pa.
"Sir, mali oh. Ayun oh, tignan nyo po" sabi nya sabay turo dun sa isang solution ko at ng dinouble check ko nga. Ayun, masyado kong naging confident sa sagot ko. May mali nga so nakangiting aso na ang luko. Okay, napahiya ako. Nagkamali ako.

BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
Hayran KurguThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?