Buzz. Buzz. Buzz
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Alas tres pa lang ng madaling araw pero kailangan ko ng bumangon. Well, simbang gabi na po kasi. Actually, pang 3 gabi na ata pero ngayon ko pa lang sisimulan. Sabi pa naman ng mga matatanda...
"Hindi mo na makukumpleto yung syam na gabi ate, paano yan? Hindi na maibibigay yung hiling mo"
Yun nga. Hindi naman ako ganung naniniwala sa mga sabi-sabi ng mga matatanda na kapag nakumpleto mo yung syam na gabi, kapag humiling ka daw ay matutupad.
"Paano yan? Hindi na matutupad yung wish mo na maging kayo ni Ford?" Pangaasar ni Kuya.
Lintek. Makakapatay pa ko. Que aga-aga. Ano ba trip ng dalawang kapatid ko? Pati pagsisimba ko ginawa pang big deal. Ibang klase.
"Whatever" sabi ko na lang at pumasok na sa banyo para maligo. Alam kong medyo wrong move dahil na din sa malamig na simoy ng hangin kapag Disyembre, ayun. Ginaw na ginaw ako pagkatapos kong magbuhos.
Hindi naman ako ganung pumorma na hindi kagaya ng iba na todo-todo effort sa mga suot nila. Simpleng t-shirt at jacket nga lang suot ko ee. Kasama ko yung dalawa kong kapatid, mabuti pa nga sila ee. Pangatlo na nila ngayong gabi. Ako kasi nahablot lang nila para magsimba ee.
"Ay Kuya" bati nung boses. Medyo napipikit-pikit pa yung mata ko gawa ng antok pero narinig ko yung boses ni Ford. Walangya.
"Dito ka na umupo" sabi nya at may naramdaman akong tumabi sakin. Napadilat ako kasi may tumapik dun sa hita ko at nagulat ako na si Ford nga yung lalaking nagsalita. Panaginip pa ba to?
"Antok na antok aa?" Sabi nya bago nagsimula yung pari.
The flow ng homily, tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ng pari at the same time, nilalabanan yung antok ko. Nakakaloka. Hindi pa siguro ko nakakapag adjust pero pumipikit-pikit talaga yung mata ko. Medyo wrong move talaga na late ako natulog at maagang gumising para dito.
"Labanan mo antok mo. Labanan mo" sabi ni Ford in his husky voice na para syang si inner devil self ko at kinokonsensya ko.
Natatawa na lang sya nung dumilat ako at tumingin sa kanya. Syempre given na may irap pa ko sa kanya. Uma-attitude ang ate girl nyo.
Nung natapos na yung pari. Tumayo na kami para sa "Our Father" at syempre, given na yun na may hawak kamay kami sa mga katabi namin.
"Father oh?" Sabi ni Ford na parang nagsusumbong na bata. Bwisit na to. Hindi ko kasi inaabot yung kamay nya.
"Dami pang arte ee" sabi nya at kinuha yung kamay ko so the entire na kumakanta kami ng Ama Namin, ayun. Magkahawak kami ng kamay. Jusko, hindi ka pa ba nagsasawa, Ford?
Galawan din talaga nitong lalaking to ee. Kinakalawang na. Pick another plot twist, Ford. Masyado ng luma.
Pagkatapos ng misa. Since may dalang pera si Kuya or should I say binigyan talaga kami ni Mama ng allowance para sa Bibingka at Puto Bumbong na nabibili sa may labas ng Simbahan.
"Ford, tara. Samahan mo na kami" aya ni Kuya so no choice naman ako, hanggang sa early breakfast namin kasama pa din namin si luko.
Bumili kami ng tagiisang Bibingka at naghati-hati na lang sa Puto Bumbong habang umiinom ng mainit-init na tsokolate. Eto talaga hinahanap-hanap ko pag ganitong magpapasko ee.
Nagtatawanan at nagkwe-kwentuhan lang sila Kuya at si Ford. Sumasali-sali din si Steven at ako lang talaga tong KJ na hindi sumasakay sa mga trip nila. Hello, all boys sila. Ano ba laban ko diba?

BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanficThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?