Medyo late na kong nagising. Nakakaloka. Que aga ko ng natulog, tinanghali pa din ako ng gising. Talagang mukhang magiging consistent na ata ako sa pagiging late aa?
Nagprepare na din ako para pumasok sa school. Nung paalis na ko ng bahay. Sakto naman nung isasara ko na yung gate eh nakita ko na naman ang Ford na nakaupo dun sa motor nya habang naka-stand. Teka nga, hinihintay na naman nya kaya ako?
"Patay" sabi ko sa sarili ko. Hindi kaya na-triggered ko sya sa usapan natin kagabe at talagang aabangan nya talaga ko para sapakin na nya?
Okay. Ces. Act normal
Tulad nung una, naglakad ako sa harap nya na kunwari walang nage-exist na Ford sa mundo ko. Kunwari normal lang ang lahat at totally perfect strangers kami.
"Pabebe talaga" mga kalahating hakbang palang ata yung nagagawa ko nung narinig kong sinabi nya yun. Ayun, back to basic. Napatingin ako ng masama sa kanya at nakataas yung kilay ko.
"Tara na, late ka na nga. Pabebe ka pa. Sakay. Oh" sabi nya sabay abot nung helmet.
"Bakit kailangan mo pa kong ihatid? Kaya ko naman sarili ko" sagot ko na lang at nagiinarte pa. Sya na nga tong naghintay at nagmamagandang loob.
"Daming mong arte. Sumakay ka na nga" medyo masungit na sabi nya nung ini-start na yung motor. Moody na naman sya. Baka may monthly visitor na naman si beshie natin. Parang ang dalas naman ata nitong magka mens? Nye-nye. Whatever.
Sumakay ako sa motor nya at nakahawak ako sa bewang part nya. Para kung sakaling ilaglag nya man ako along the way, eh at least nakakapit ako sa kanya. Kung malalaglag man ako, aba syempre dapat damay din sya. One for all. All for one dapat.
Late na din talaga kami nakapasok ng school since late na nga talaga ang pasok ko. Dinagdagan pa ng traffic malapit sa kanto ng school namin kasi may parada ata ng mga Elementary school sa may hindi kalayuan like that.
Mga 20 mins na lang magdi-dismiss na din si Erlinda kaya minabuti na namin ni Ford na hindi pumasok. Ganyan kami ee, nagkakasundo lang sa pag-gawa ng kalokohan. Feeling ko nga ang bad influence nya, or ako ee. Basta. Ang deliquent ko na talaga. Pero hindi halata kasi ako lang naman ang Top one ng classrooom namin. Hindi naman sa pagyayabang.
Pero ewan ko ba, since nung dumating tong lukong to? Nagkaleche-leche ko na hindi ko malaman. Bwisit talaga ee (kunwari inaambaan ko sya ng suntok at nagma-make face sa kanya habang katabi sya sa canteen at sa iba nakatingin)
Sabay muna kaming kumain ng almusal sa canteen. Bali tanghalian na nga ata to kasi kanin at ulam na agad ang kinakain namin.
"Hindi ka kumakain ng patatas?" Tanong ni Ford nung napansin nya na ginigilid ko lang yung mga patatas sa gilid ng plato ko. Menudo yung ulam thats why.
"Obviously. Saka carrots" sagot ko at pati yung mga carrots tinatabi ko. Yung laman, taba at atay lang talaga kinakain ko.
He gave me a cringe look. Yung parang sobrang naweirdan sya sakin. Like what, normal pa nga ba ko?
"Dapat kumakain ka ng gulay. Kaya ka hindi tumataba ee" sabi nya kaya kahit kumakain kami parehas eh nabigyan ko sya ng palo sa braso nya.
"Kumakain ee, nananakit ka" masungit na sabi nya. Oo nga naman, so hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ang masarap kong pagkain.
Nung natapos na kami at naligpit na din nung staff ng canteen yung pwesto namin. Dun na namin pinagpatuloy ang pag-aaway/trashtalks namin ni Ford.
"Lakas mong dumighay. Babae ka ba talaga?" Sabi nya. Eh tumambuchu kasi tong sikmura ko. I mean, napadighay talaga ko. Yung malakas talaga. Yung panglalaking dighay talaga.
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?